^

PSN Opinyon

Singawan ng baho

- Al G. Pedroche -

KUNG ikaw ay politikong tiwali at garapal, mag-iingat ka sa mga pinagkakatiwalaan mong tauhan o kapwa politiko na kasapakat sa mga katiwalian. Sa politika ay walang permanenteng kaibigan. Ang pinakamatalik mo mang kaibigan ngayon ay maaari mong maging mortal na kaaway bukas.           

Ganyan ang politika: Kamutan mo ang likod ko at kakamutan kita. Kapag ang isa’y hindi na makakamot, ang dati niyang kinakamutan ay kaaway na niya. Kapag ang dati niyang kaalyado ay nakakita ng ibang politikong mas makatutugon sa kanyang interes, ilalaglag na siya.

Kaya kung pipili tayo ng leader, tiyakin natin na ito’y may kakayahan at mabuting pinuno. Isang maka-diyos na pinuno na walang masamang intensyon sa bayan. Hindi nakikipagkutsaba sa ibang opisyal na may buktot na intensyon.

Ganyan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng dating magkaibigang karnal na sina Senador Panfilo Lacson at dating Presidente Estrada. Nang Presidente pa si Estrada at opisyal pa ng pulisya si Lacson, sobra ang closeness nila. Iniisip nga ng iba na sila’y “partners in crime.”

Kaya ang “word war” sa pagitan nina Lacson at Estra-da ngayon, kasama pa si Sen. Jinggoy Estrada ay pag­sisingawan na ng baho ng mga politikong nawalan na   ng “amor” sa isa’t isa.

Sa ngayon, si Estrada ang nasa defensive stance    dahil si Lacson ang unang nagbato ng paratang na nag-uugnay sa kanya sa pagpaslang sa publicist na si Bubby Dacer at sa driver nitong si Manuel Corbito. Pinangala­wahan pa ito ng direktang akusasyon laban kay Estrada na siya umanong “utak” sa pagpatay sa PAGCOR em­plo­yee na si Edgar Bentain, isang dekada na ang naka­ raraan. Kung matatandaan natin, si Bentain ang PAG­COR technician na siya uma­ nong naglantad sa lara­- wan ni Estrada na nakiki-pag­su­gal kay Atong Ang.

Sino ang tunay na may sala? Taumbayan na ang hu­husga. Wika nga ng Kano “your guess is as good as mine.” Pero may leksyon ta­ yong mapupulot sa pang­yayaring ito. Kung politiko ka, pulos kapakanan ng bayan ang intindihin mo at huwag kang makikipag-      kom­pro­miso sa gawang ma­sa­ma dahil wa­lang sikre­-tong hindi mabu­bunyag sa tak­dang pana­hon.

Sa ordinaryong mama­ma­yan, matuto tayong ku­milatis ng pinunong mali- nis ang puso na siya nating dapat iluklok sa trono ng pamamahala sa bansa.

ATONG ANG

BUBBY DACER

EDGAR BENTAIN

GANYAN

JINGGOY ESTRADA

KAPAG

KAYA

LACSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with