HETO na naman ang dirty tactics ng mga takot na takot sa posibleng pagbabalik ni Presidente Erap sa pamumuno ng ating bansa.
Ito ang napansin namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.
Si Erap, na consistent na namamayani sa mga survey sa mga itinuturing na presidentiables, ay ginawa na namang sentro ng dirty tactics ng mga desperadong siraan siya sa taumbayan. Tulad ng kanyang naranasan sa una niyang pagkandidato sa presidential election noong 1998, kung anu-anong mga bintang, paninira at panggigipit ang ginagamit na taktika ngayon laban sa kanya.
Nariyang may nagsasabing sangkot daw siya sa Dacer-Corbito double murder case, siya raw ay naging protektor ng jueteng, at kesyo nanggipit pa raw noon ng negosyante. Hay naku! Heto na naman ang sabwatan ng kanyang mga kritiko pati na rin ang panggagamit sa ilang indibidwal upang kalabanin siya. Pilit na naman silang gumagawa ng kung anu-anong hakbang upang siraan ang kanyang posibleng kandidatura sa 2010.
Pero naniniwala ako na matalino ang ating mga kababayan. Alam ng publiko kung sino ang nagsasabi ng totoo, at sino naman ang nag-iimbento lang ng mga kuwento. Alam ng sambayanan na malinis ang puso at konsensiya ni Erap.
Nawa ay matigil na ang dirty tactics ng ilang mga tao at grupo na ayaw lumaban nang parehas sa dapat sana ay makabuluhang democratic political exercise. Sana ay talagang pagsisilbi sa taumbayan ang ipursige ng lahat.