^

PSN Opinyon

Korapsyon, hadlang sa pag-unlad ng bansa

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

PINAG-USAPAN namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employ­ment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ang bagong 2009-2010 Global Competitiveness Index report ng World Economic Forum (WEF).

Ang Index ay ranking ng 133 mga bansa kung ito ba ay kaaya-ayang pagtayuan ng negosyo base sa mga opisyal na datos at sa pananaw ng 13,000 mga negosyante na tinanong ng WEF.

Ang Switzerland ang nanguna sa mga bansang pinaka­­magandang pagtayunan ng negosyo, habang ang Pili­ pinas ay nangulelat sa rank 87 na malayung-malayo kum­para sa mga kalapit na bansa sa Asya, tulad ng Hong Kong, 11th; Taiwan, 12th; South Korea, 19th; Malaysia, 24th; China, 29th; Brunei, 32nd; Thailand, 36th; at Vietnam, 75th.

Sa 12 pillars of competitiveness ng WEF, ang Pilipinas ay nakakuha ng napakababang score, tulad ng: institutions (113th ang ating bansa); infrastructures, 98th; macro­economic stability, 76th; health and primary education, 73rd; higher education and training, 68th; goods market efficiency, 95th; labor market efficiency, 113th; financial market sophistication, 93rd; technological readiness, 84th; market size, 35th; business sophistication, 65th; at innovation, 99th.

Ayon sa WEF, pangu­na­hing hadlang sa pagne­ne­gosyo sa Pilipinas ang ko­rap­syon. Prob­lema rin umano ang inepis­yenteng burukras­ya, mahinang imprastraktura, mabuway na mga polisiya, nakawan at iba pang krimen, mataas na buwis, banta ng ku­deta, mahigpit na labor regulations, mahinang public health system, maba­bang kalidad ng edukasyon at “poor work ethics” sa labor force.

Binigyang-diin ni Jinggoy ang pangangailangang ang taumbayan na ang gumawa ng paraan upang masolus­yu­nan na talaga ang korap­syon sa ating bansa, laluna’t mis­mong ang top leadership ng pama­halaan ang sangkot sa mala­laking anomalya at ka­tiwalian.

Sa mga gustong lumiham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Es­trada, ipadala ito sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.

ANG INDEX

ANG SWITZERLAND

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

GLOBAL COMPETITIVENESS INDEX

HONG KONG

HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

LABOR AND EMPLOYMENT

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with