PALAKI nang palaki ang isyu ng paglipat ng isang convicted rapist mula sa kanyang kulungan sa Cebu pa-puntang Spain. Ang tinutukoy ay si Paco Larrañaga, na nahatulang may sala sa pagkidnap at panggagahasa sa magkapatid na Chiong sa Cebu noong 1997. Ang paniniwala ay pinatay din ang magkapatid. Bitay ang na-ging parusa pero dahil tinanggal ni President Arroyo ang death penalty, panghabambuhay na pagkakabilanggo ang naging sentensiya. Kailan lang, lumabas na meron pala tayong kasunduan sa Spain na puwedeng ibalik doon ang isang bilanggo, kapag nakapasa sa mga kundisyong nakatala sa kasunduan. Si Larrañaga ay may dugong Kastila dahil ang kanyang ama ay isang Kastila. Ayon sa DOJ, pinasa niya ang lahat ng kundisyon para malipat na sa Spain.
Pero ayon naman sa pamilya Chiong, hindi pa raw sila binabayaran ng danyos ayon sa desisyon ng korte, kaya hindi pa puwedeng ilipat ang bilanggo. May nag-tatanong din kung naka-14 na taon nang bilanggo si Larrañaga, dahil kasama ito sa kundisyon ng kasunduan. Pati ang kanyang pagiging Kastila ay tinatanong din kung tunay.
Maimpluwensiya at mayaman ang pamilya Larra- ñaga. Kaya hindi ako magtataka kung may mga nagawa silang mga kilos na ilegal, para lang malipat sa Spain ang kanilang kamag-anak. Baka naloko lang nila ang DOJ para payagan ang paglipat kay Larrañaga! Sigura-do roon ay mas maginhawa ang kanyang pagkakabilanggo, at malaki rin ang posbilidad na maimpluwensiyahan na rin nila ang ilang tao at mapalaya na rin ang rapist! Saan pa ba galing ang ilan sa ating masasamang ugali kundi sa mga Kastila rin!
Tama lang na imbestigahan ng Kongreso ang pagli-pat ni Larrañaga, pati na ang kasunduang ito. At bakit konti lang sa ating mga mamamayan ang may alam ng kasunduan? At si Sen. Miriam Santiago pa ang nagpasulong nito sa Senado? Akala ko ba ay pumuputok mga ugat niya kapag ang pagkamalayang estado ng bansa ang nadede hado, katulad noong isyu ng World Bank. Pero siya pala ang pumayag sa kasunduang ito, na para sa mga bilanggo nang karumal-dumal na krimen?
Suyurin at himayin kung talagang karapat-dapat na si Larrañaga sa kasunduang ito, kung lahat ng hinihingi ng kasunduan ay pinatupad na. At pag-aralan muli ang kasunduang ito, na tila pinasa para lamang sa benepisyo ng bilanggong si Larrañaga!