All the president's men

UNA si Mikey. Nakatutok ang bayan sa kung paano niya malulusutan ang hindi pagdeklara sa Statement of Assets and Liabilities (SAL) ng kanyang P65 million house and lot sa Foster City, California. Ang SAL ay sinumpaang deklarasyon ng utang at kayamanan ng isang opisyal. May mas malaki pang sakit ng ulo si Cong. Paano ipalili­wanag na nakabili ng ganun kamahal na bahay sa kan­yang kapiranggot na sahod?

Sumunod si Gov. Chavit. Isa pa itong sinusubaybayan kung matatakasan ng taong nagpatumba kay Erap ang inamin niyang pambubugbog sa common law wife. Mas nagiging masalimuot ang kuwento dala ng pagmamatigas at paghamon ni Gov. kay Gng. Arroyo na siya’y tanggalin sa puwesto kung hindi natutuwa sa  kanyang inaasal.

Ngayon, isa pang haligi ng Arroyo administration ang nasasangkot sa kontrobersiya. Ang Aboitiz Transport System Corp. (ATSC), may ari ng SuperFerry shipping lines, ay pinagpapaliwanag sa paglubog ng SuperFerry 9 na naging sanhi ng pagkamatay ng limang tao, perwisyo sa mahigit 900 na pasahero at pagkawala ng milyun-milyong halaga ng cargo. Ang ATSC ay pag-aari ng pamilyang Aboitiz na matalik na kaibigan ni Gng. Arroyo at isa sa kan­yang pangunahing kasangga sa mundo ng negosyo.

Hindi sakunang maituturing ang nangyari sa Super­Ferry 9 dahil pang-apat na insidente na ito sa huling apat na taon. Ito lang Mayo ay tumirik ang barko ng 12 oras sa may Camiguin dahil sa problema sa makina. Noong Feb. 2007, tumirik din sa bandang Negros dahil sa makina. Sa 2006, sa may Masbate tumirik pa rin at nang inayos ang makina, agad uling tumirik. Ang kahiya-hiyang rekord ng sasakyang ito ay dapat lang nagsilbing dahilan upang i-dry dock na muna ang SuperFerry 9. Subalit walang ganung suwerte ang mga pasahero.

Ipinagmalaki ng ATSC ang kinita nitong P132 million sa unang tatlong bu-wan ng taon. Anila’y upang tumuloy ang pagtaas ng kita, dapat ay magtipid pa ang kompanya. Narinig sa mga paseherong biktima   na tila kulang ang barko sa mga life vest at life boats. Huwag naman sanang mang­yari na ang kaligta­ san ng pasahero ang tini­pid ng kom­panya para la­mang tumaas ang kita.

Mikey Arroyo, Chavit Sing­son at ang Aboitiz Transport System Corp.

Abangan ang susunod na kabanata.

Show comments