Ombudsman mali sa GMA absuwelto
ABOGADO ang anim na Ombudsman fact-finders sa ZTE scam. Pero kaduda-duda kung alam nina Deputy Orlando Casimiro, Emilio Gonzales III, Robert Kallos, Rodolfo Elman, Cesar Asuncion at Jesus Micael ang batas. Lantad ito sa maling paghirit nila ng “presidential immunity” para iabsuwelto si Gloria Macapagal Arroyo. Pakatandaan ang mga pangalan nila. Bababa sila sa kasaysayan kasama ang mga katulad nina Virgilio Garcillano, Lintang Bedol at Jocjoc Bolante.
Ni hindi inimbestigahan ng anim ang pananagutan ni Arroyo dahil hindi naman daw siya maaring ihabla habang Pangulo. Ang asal na ito ng anim ay taliwas sa alam na ng sinomang matinong abogado. Ang Pangulo, isang opisyal na maari i-impeach, miski ba immune from suit, ay saklaw pa rin ng poder ng Ombudsman na mag-imbestiga. Repa suhin lang sana nila ang Republic Act 6670 na bumuo ng Office of the Ombudsman: ‘‘Section 22. Investigatory Power — The Office of the Ombudsman shall have the power to investigate any serious misconduct in office allegedly committed by officials removable by impeachment, for the purpose of filing a verified complaint for impeachment, if warranted... In all cases of conspiracy between an officer or employee of the government and a private person, the Ombudsman and his Deputies shall have jurisdiction to include such private person in the investigation and proceed against such private person as the evidence may warrant. The officer or employee and the private person shall be tried jointly and shall be subject to the same penalties and liabilities.”
Hayan napakalinaw. Kung ninais nila, kaya ng anim imbestigahan si Arroyo para magsampa ng verified complaint. Pero hindi nila ginawa. At nagmamalaki pa si Ombudsman Merceditas Gutierrez na suportado niya ang anim. Hindi ba’t ang kawalan ng kaalaman sa Ombudsman Act ay sapat nang dahilan para i-im-peach mismo si Gutierrez? Hindi ba’t ang katangahan ng anim tungkol sa batayan ng kanilang puwesto ay solidong rason para sila sibakin? At di ba lantad sila na sipsip sila sa Malacañang?
- Latest
- Trending