^

PSN Opinyon

Di tayo nagulat sa liko ng ZTE

SAPOL - Jarius Bondoc -

BAKIT hindi nagulat ang publiko nang i-absuwelto ng Ombudsman ang mga sangkot sa ZTE scam? Simple. Batid ng madla na ang anti-graft body ay nakakasa ngayon para lang pagtakpan ang dumi ng administrasyon.

Biruin mo, nahaharap si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa impeachment nang pawalan-sala ng ahen­siya niya ang First Couple sa ZTE scam. Halata tuloy ang moro-moro. Nag-inhibit nga si Gutierrez sa ZTE probe. Pero hindi maikakaila na kaklase siya ni First Gentleman Mike Arroyo sa law school. At huwag kalimutan, si President Gloria Arroyo ang nagluklok sa kanya. Maaring wala rin kinalaman ang deputy ni Gutierrez na si Mark Jalan-doni sa inquiry. Pero pamangkin umano siya ni ZTE contract signatory Larry Mendoza, at anak ng malimit kasa­bong ni Iggy Arroyo. Ang pustahan ngayon ay ibabasura ng mga katoto ni Arroyo sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Gutierrez.

May hinala tuloy na nagbulag-bulagan ang mga imbes­tigador sa datos: Deputy Ombudsman Orlando Casimiro, Emilio Gonzales III, Robert Kallos, Rodolfo Elman, Cesar Asuncion, at Jesus Micael. Pakatandaan sila. Maaring bumaba ang pangalan nila sa kasaysayan katabi ang mga katu-lad nina Virgilio Garcillano, Lintang Bedol at Jocjoc Bolante.

Pinawalan-sala ang mga sabit sa ZTE contract:      Uma­prubang Gloria at humimas na Mike Arroyo, pumir­mang, nagpresyong Lorenzo Formoso at Elmer Soñeja, at mga nanunuhol na negosyanteng Tsino na Yu Yong, Hou Weigui, Fan yan at George Zhuyin.

Sina dating Comelec chief Ben Abalos at NEDA head Romy Neri lang ang sinakdal. Bakit sila? Si Abalos, dahil kung iaabsuwelto siya sa kasong ZTE ay mauungkat ang naunang kasalanan ng Ombudsman nang pawalan-sala rin siya sa MegaPacific scam. Si Neri, dahil sa mata ng admin ay hindi siya ma­pagkakatiwalaan at lipas na ang bisa niya. Maa­a­lalang tinawag niya min- san si Mrs. Arroyo na    “evil”, at sakit ng ulo siya    ng mga presidential cro-nies tulad ni Ricky Razon.

vuukle comment

BEN ABALOS

CESAR ASUNCION

DEPUTY OMBUDSMAN ORLANDO CASIMIRO

ELMER SO

EMILIO GONZALES

FIRST COUPLE

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GEORGE ZHUYIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with