^

PSN Opinyon

Ilang historical trivia sa relasyong RP-US

SAPOL - Jarius Bondoc -

IKA-13 ng Agosto 1898 nang agawin ni US Adm. George Dewey ang Maynila mula sa mga Katipunerong naka­palibot sa Intramuros. Sa kanya sumuko ang mga Kastila sa takot na parusahan ng mga indio dahil sa 377 taon pagpapahirap. Mula noon, nagkaroon na ng love-hate relationship ang Pilipinas at America. Ilang mga trivia tungkol sa dalawang bansa:

Unang natutunan ng mga Pilipino ang Ingles nu’ng 1762, hindi mula sa Amerikano kundi sa British, na su­makop sa Maynila nang ilang taon. Ang ikatlong pinaka-malaking Eng­lish-speaking country, sunod sa US at UK, ay Pilipinas. Binaya-ran ng US ang Spain para maangkin ang Puerto Rico, Guam at Pilipi­nas. Naganap ang Philippine-American War nu’ng 1898-1902. Patay na sundalong Amerikano, 4,234; Pilipino, 16,000 sa laba­nan at 200,000 sa sakit at gutom. Naging kolonya ng US ang Pilipinas hanggang 1946.

Isa sa mga nagtatag sa Los Angeles nu’ng 1781 ay ang Pilipinong Antonio Miranda Rodriguez, kasama ang 43 Latino mula Mexico na sugo ng gobyernong Kastila. Inimbento ng Pilipinong doktor sa Amerika na Abelardo Aguilar ang erythromycin antibiotic na Ilosone, ipinangalan sa pinagtubuan niyang Iloilo province. Si Pilipinong imbentor Marc Loinaz ng New Jersey ang gumawa ng unang videocam na may isang chip lang. Sa edad-13 nakamit ni Kiwi Danao Camara, anak ng mga Pilipinong doktor, sa Punahou School, Hawaii, ang pinaka-mataas na score na 700 points sa verbal portion ng Scholastic Achievement Test. Si Pilipino dancer naman na Joyce Monteverde ng California ang nagkamit ng pinaka-mataas ng SAT written score na 1600 points.

Ilang puro o may dugong Pilipino na celebrity sa America: Von Flores, Tia Carrere, Paolo Montalban, Lea Salo­nga, Ernie Reyes Jr., Nia Peeples, Julio Iglesias Jr., Lou Diamond Phillips, Phoebe Cates, at Rob Schnei­der. Personal physician ni Bill Clinton si Eleonor Con­cepcion Mariano, pinakabatang captain sa US Navy.

ABELARDO AGUILAR

AMERIKANO

BILL CLINTON

ELEONOR CON

ERNIE REYES JR.

GEORGE DEWEY

ILANG

PILIPINAS

PILIPINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with