Maging malinis tayo sa handaan
NGAYON at sa susunod na Linggo ay kabuuan pa rin ng ating pagkain na si Hesus ating Panginoon: “Ako ang pagkaing nagbibigay buhay mula sa langit”. Ang Kanyang laman at dugo ang nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Sa ating simbahan ang Huling Hapunan. Taste and see the goodness of the Lord! Isang piging at tayo ay laging inaanyayahan ni Hesus sa Kanyang handaan.
Sa tuwing tayo ay aanyayahan sa anumang handaan ay lubos tayong nagagalak sapagka’t tayo pala ay bukod tangi: Sa kasalanan, kaarawan, pagtatapos sa paaralan, kapistahan, pagwawagi o isang payak na kainan. Sa ganitong paanyaya, ang unang sumasagi sa ating isipan ay “meron ba akong isusuot na maayos na damit para makadalo sa handaan”. Inihahanda ba natin ang ating kaayusan sa tuwing tayo ay dadalo sa Handaan ni Hesus, ang Banal na Misa? Ibig sabihin: Malinis ba ang ating puso at isipan? Napagsisihan na ba natin ang ating mga nagawang kasalanan?
Ang dalawang unang pagbasa ay pawang paalaala sa ating paglilinis. Ang Aklat ang Karunungan at sulat ni Pablo ay ang tanging sabon at shampoo sa paglilinis ng ating kalooban. Handa tayo sa hapag kainan. Kaya’t hindi tayo dapat mahuli sa pagdalo sa isang handaan. Sino kaya sa atin na laging huling dumating sa Banal na Misa tuwing Linggo? Ang unang paghahanda natin ay ang kaayusan ng ating hapag – ang ating puso at kalooban. lisanin ang kamangmangan upang tayo ay mabuhay at ang landas ng unawa ay ating tahakin at daanan.
Ingatan ang ating pamumuhay. Mamuhay tayong matalino. Sinabi pa niya na masama na ang takbo ng daigdig kaya’t ating samantalahin ang paggawa ng mabuti. Huwag daw tayong hangal at ating unawain ang kalooban ng Diyos. huwag upang huwag masira ang ating maayos na buhay. Sikapin nating mapuspos ng Espiritu Santo. Ipahayag natin ang damdamin sa Salmo at umawit tayong lahat ng papuri sa Diyos sa kaitaasan.
Manalangin din tayo kay Maria na ating Ina na kahapon ay ating ipinagdiwang ang assumption – ang pag-aakyat sa kanya sa langit sa piling ng Kanyang anak na si Hesus na ating kapatid, kaibigan at kapanalig. Mama Mary lagi po kaming humihingi sa iyo ng tulong at awa. Ipanalangin po ninyo kami sa Iyong Anak na si Hesus. Ihingi mo po kami ng mga biyayang aming kailangan na alam po namin na Siya lamang ang lubos na nakaaalam. At higit sa lahat humihingi po kami ng kapatawaran sa aming kasalanan. Naniniwala po kami mahal na ina na ipagkakaloob na sa amin ang iyong anak na si Hesus ang biyaya niya sa amin!
Prv9:1-6; Salmo34; Eph5:15-20 at Jn6:51-58
- Latest
- Trending