Anti-piracy drive dapat suportahan

ISANG bagay ang dapat malaman ng mga mahilig bumili ng mga pekeng produkto. May mga lehitimong negosyong napipinsala. Nakaka-apekto iyan sa takbo ng ekonomiya. Kapag sumemplang ang ekonomiya, lahat tayo damay.

Speaking of piracy, nagpahayag ng kasiyahan si Optical Media Board (OMB) Chair Edu Manzano dahil katuwang niya ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa krusada laban sa illegal software.

Ayon kay Edu, ang alyansa ng dalawang ahensya ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa produksyon, pagpapakalat at pagbebenta ng mga illegal na kagamitan ng mga computers. So, hindi lang ang mga piniratang pelikula sa CD at DVD ang pinagtutuunan ng OMB kundi pati ang mga computer program o softwares.

Marami pa rin ang mga tumatangkilik sa mga hindi lisensyadong softwares kahit alam nilang labag sa batas ito. Mura nga pero mapaminsala naman ang epekto niyan in the long run.

Kaya nagpapagunita si Edu lalo na sa mga kompan­yang nasa ilalim ng PEZA na baka gumagamit pa rin ng unlicensed softwares na magiging mahigpit ang kooperasyon ng OMB at PEZA. Ani Edu, magtutulungan ang OMB at PEZA upang ang mga kompanyang saklaw nito ay mabigyan ng lisensya, akreditasyon at rehis­trasyon ang mga softwares na ginagamit. Magtatalaga ang OMB ng one-stop shop upang mapabilis at maging madali ang licensing ng mga kompanya sa loob ng economic zones.

Ang pangalan ng kru­sada ng OMB at PEZA ay “Don’t wait until its too late.” Oo nga naman. Huwag nang hintayin pang makas­tigo ng batas kung ang gamit niyong softwares ay illegal.

Ayon sa pamunuan ng PEZA, nakikiisa sila sa OMB dahil batid nila ang perhu­wisyong dulot ng mga pirated softwares sa mga kompan­yang guma­gawa ng mga ito. Kung ako ang masusunod, dapat ka­suhan ng economic sabotage at patawan ng pinaka­mabigat na parusa ang mga pasi­ muno ng ­pamemeke. Isipin na lang na kapag na­apek­tuhan ang negosyo, magsa­sara ito at maraming trabaho ang mawawala.

Kaya dun sa mga ma­hilig bumili ng ano mang pekeng produkto, mag-isip-isip kayo.


Show comments