Colorum foundations para sa pork barrel
KAHAPON inilahad ko kung paano pinampopolitika ang congressional pork barrel. Tig-P200 milyon kada taon ang bawat senador, at P70 milyon kada congressman. Kabu oang P22.3 bilyon ang nilalaan taun-taon para sa mga proyekto nila. Pero hindi umuunlad ang bansa. Kasi sa bulsa lang ng politiko napupunta ang karamihan ng pondo.
Nagtatayo ng front foundation ang mambabatas. Doon kunwari ipinagagawa ang pork barrel project. Pero isinosoli lang sa kanya ng foundation ang pera. Kung minsan, may munisipyong “tagabayad” sa foundation, sa utos ng mambabatas. Binibigyan ng “komisyon” ang kasabwat na meyor.
Sinuri ng Commission on Audit ang foundations na tumatanggap ng P728-milyong fertilizer fund scam ni Jocjoc Bolante nu’ng 2004. Sila rin ang kumubra ng panibagong fertilizer funds nu’ng 2007. Ulat ng COA:
• National Organization for Agricultural Enhancement Productivity Inc., tumanggap ng P27 milyon nu’ng 2004, walang SEC papers (kaya palsipikado), humalili sa opisina ang Dynamic Educational System Corp. sa panibagong fertilizer scam nu’ng 2007 at nakatanggap ng P44 milyon);
• Aaron Foundation Phils. Inc., tumanggap ng P8 milyon nu’ng 2004, bakanteng lote ang sinumiteng address nu’ng 2007;
• Philippine Social Development Foundation, P28 milyon nu’ng 2004, buwag na ngayon;
• Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation, P11.5 milyon nu’ng 2004, ni walang opisina noon pa man;
• Gabay Masa Development Foundation Inc., P32.5 milyon nu’ng 2004 at P5 milyon nung 2007, walang kara-tula ang opisina, sa bahay lang ng presidente Margie T. Luz;
• Las Marias Foundation, P.5 milyon nu’ng 2004 at P34 milyon nu’ng 2007, walang opisina at SEC papers;
• Sikap Yaman Foundation, P4.9 milyon nu’ng 2004, walang opisina.
- Latest
- Trending