I am proud of our AFP and PNP

NAPAKAGANDA ng ginawa ng AFP at ng PNP na nagbigay ng full military and police honors sa yumaong Tita Cory ang dati nilang Commander-in-Chief. Duda ako na may prior na pahintulot kay Taray queen ang ginawa nila dahil nasa Amerika pa siya ng nagpasya ang AFP/PNP ng gawaran ng kaukulang honors si Tita Cory. Pero lalo akong magiging proud sa kanila kung aminin na lang nila ang karahasang ginawa kay Fil-Am Melissa Roxas ng iilang rotten eggs sa hanay nila. Napaka-credible ni Melissa Roxas. Wag n’yo nang ipagtanggol ang bata ni Taray Queen na si Gen. Jovito Palparan. Masyadong halata ang pagsisinungaling niya. Dugay na siya sa Maynila Jovito, tonto lang giyapon.

Mawalang galang po sa inyo AFP Chief of Staff Victor Ibrado at PNP Director General Jesus Versoza, kung maari lang po pag-aralan n’yong mabuti ang protector of the people clause ng Saligang Batas na nagsasaad ng mga sumusunod: “Article 2, Section 3 - Civilian authority is at all times supreme over the military. The Armed Forces of the Philippines is the Protector of the People and the State. Its goal is to secure the sovereignty of the State and the integrity of the national territory.”

Ang sovereignty sa bansang ito ay ang taumbayan.     May problema ba ang sambayanang Pilipino? Maliwanag na mayroon. Ano ito? Ang malawakang katiwalian. Ultimo mga abono na nakalaan para sa mga mahihirap na mga magsasaka, ninanakaw at marami pang ibang anomalya tulad ng NBN-ZTE scandal, Diosdado Macapagal Avenue over-price, rice importation kickbacks etc etc. Ang massive graft and corruption na walang humpay na umiiral ngayon ay maari ng ituring at pagpasyahan ng AFP at PNP na clear and present evil that they should protect the Filipino people. They can withdraw support and it will not even be extra-constitutional but intra-constitutional because they can do it pursuant to the protector of the people clause of the constitution.

Ayon kay Fr. Joaquin Ber­nas the AFP can lawfully overthrow an abusive regime. Ito ang sinasabi niya sa page 59 ng kanyang libro “The 1987 Constitution of the Philippines, a Commen­tary,” Rex Bookstore, 1999 edition: “The second and third sentences of Section 3 (of Article 2) originally discussed by the 1986 Constitutional Commission under the General Provision, are meant to express the philosophy that underlies the existence of armed forces. The two sentences, however, also yield a meaning which was not articulated during the commission debates. When one reads them in the light of the unsuccessful military coups of 1987 and the reasons given for them, especially in the light of the successful coup of February 1986 which became known as the February Revolution, one cannot escape the conclusion that the armed forces can be a legitimate instrument for the overthrow of a civilian government that has ceased to be a servant of the people.” 

Show comments