^

PSN Opinyon

Gising, Mayor Binay

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MUKHANG naglalaway na si Makati City Mayor Jejomar Binay na maupo sa puwesto dahil pati pagkamatay ni dating Pres. Cory Aquino ay ginagamit na niya sa pa­mumulitika. Di naman kaila na may ambisyon si Binay na maupo bilang vice president. At nitong nagdaang mga araw, namulitika si Binay at ang nakakalungkot pati si Cory ay ginamit niya.

Sinabi kasi ni Binay na ang libu-libong mamamayan na nagbabad sa kalye at nakidalamhati sa pagpanaw ni Cory ay sobra na ang galit kay President Arroyo. At bahala na raw ang sambayanan kung mauwi ito sa uprising. Na­kiramay lang ang mga tao eh galit na kay GMA? Pa­rang hin­- di arok ni Binay ang puso’t damdamin ng kapwa niya na ki­ na­ugalian nang makiramay kahit kalaban pa nila sa pulitika.

Tingnan si Bongbong at Imee Marcos. Kahit malalim ang sugat na idinulot sa kanila sa pagpaslang kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino eh nakiramay sila sa pagka­matay ni Cory. Dumalaw sila sa burol.

Kung gagamitin ni Binay ang isyu ng pagbabad sa kalye ng mga Pinoy para manawagan ng uprising, aba baka magulat siya kapag nilangaw ang kalye. Parang sirang plaka ako, subalit sasabihin ko na ayaw na talaga ng sambayanan ng uprising dahil hindi naman ang kapakanan nila ang ipinaglalaban ng mga lider kundi ang sarili nilang interes. Ang mga mahihirap na laging nasa unang hanay, hindi naman nagbago ang pamumuhay nila. Naghirap pa lalo sila. Mayor Binay, paano mo maku­kumbinsi ang mga mahihirap na sumama sa uprising na ipinaglalaway mo? Burahin mo na ‘yang uprising sa isipan mo. Iwaksi mo ang pulitika lalo’t nagdadalamhati ang sambayanan sa pagkamatay ni Cory.

Hindi si Binay ang dapat pansinin ng sambayanan kundi ang honor guards sa libing ni Cory na sina PO1 Danilo Maalab, Pfc. Antonio Cadiente, Airman 2nd Class Gener Laguindan at Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodri­guez. Hindi biro na mahigit siyam na oras silang nakatayo para bantayan ang kabaong ni Cory na walang galawan. ‘Yan ang mga pulis at sundalo! Kung nakita ng mama­mayan ang pasensiya at determinasyon ng honor guards, mas higit pa diyan ang kabayanihan nila sa pakikibaka sa mga kaaway ng gobyerno. Marami nang pulis at sundalo ang nalagas para lang maprotektahan ang sam­bayanan. Marami sa kanila ang naputulan ng paa at mga kamay. Marami rin ang nabulag. Kaya sa tingin ko kahit abot-langit pa ang inaambisyon ni Binay na uprising, hindi sasama sa kanya ang mga pulis, at sundalo, lalo ang sambayanan. Abangan!

ANTONIO CADIENTE

BINAY

CLASS GENER LAGUINDAN

CORY

CORY AQUINO

DANILO MAALAB

EDGARDO RODRI

MARAMI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with