NASA parlor ang babae, nagpapa-hairstyle para sa biyahe nilang mag-asawa sa Rome. Nang mabanggit niya ito sa hairdresser, sumimangot agad ang huli at nagsabing, “Rome? At sino naman ang gugustuhing pumunta ru’n? Masikip at marumi. Papano ka pupunta ru’n?”
“KLM ang tiket namin,” anang babae. “Nakakuha kami ng tawad.”
“KLM?” iling ng hairdresser. “Matatanda’t masusungit ang flight attendants ng bulok na airline na ‘yan. Saan kayo titira sa Rome?”
“Booked kami sa maliit pero ekslusibong Teste Inn sa tabing ilog.”
“Naka!” banat na naman ng hairdresser. “Alam ko ‘yang hotel na ‘yan. Akala mo espesyal, ‘yun parang tambakan ng basura.”
“Papasyal kami sa Vatican, magbabaka-sakaling makita ang Pope.”
“Loka,” tuya ng hairdresser. “Isang milyon kayong magsisikuhan para makita siya, pero parang ga-langgam na lang siya sa tanawin. Good luck na lang sa walang-kuwentang biyahe mo. Kasi kamalas mo naman.”
Makalipas ang isang buwan, bumalik ang babae para magpa-hairdo. Kinumusta ng mapag-alipustang hairdresser ang biyahe niya.
“Ay ang sarap!” ganadong nagkuwento ang babae. “Hindi lang on-time ang flights sa mga bagong eroplano ng KLM, pero na-bump up kami sa first class. Masarap ang pagkain, at sobrang maasikaso ang flight crew.”
Patuloy ng babae: “Ang ganda rin ng hotel. Katatapos lang ng $5-milyong remodeling, pinaka-maganda sa buong Rome. Naubusan sila ng kuwarto, ibinigay sa amin ang owner’s suite nang walang dagdag-bayad.”
“Buti naman gan’un,” ismid ng hairdresser. “Pero tiyak ako na hindi ninyo nakita si Pope.”
“Sa totoo lang, sinuwerte kami,” anang babae. “Habang nagtu-tour kami sa Va tican, tinapik ako ng Swiss Guard. Bumulong na nais makita ng Pope ang ilang bisita. Dinala kami para personal niya ka- ming batiin.”
“True?” inis na si hairdresser. “At ano naman kaya ang sinabi niya?”
“Sino raw ang pangit na gumupit sa buhok ko.