^

PSN Opinyon

Chiz dinidemolis?

- Al G. Pedroche -

BUMULAGA sa mga pahayagan ang balita na ang opo-sis­yunistang si Sen. Chiz Escudero ay gumagapang  daw sa Malacañang upang hingin ang bendisyon ni Pre­sidente Arroyo sa kanyang paghirit sa panguluhan sa 2010. Ngee, totoo ba ito?

Parang mahirap paniwalaan. Maraming naniniwala na ang basbas ni PGMA ay katumbas ng tuklaw ng maka­mandag na cobra. Eh, bakit naman hahangarin ng isang Chiz Escudero na gawaran ng ganyang halik? Well, opinion ko lang iyan. Baka iba ang pananaw ninyo.

Natural magre-react si Chiz sa ganyang paratang. Aniya sa isang statement:

“I have not sought, nor will I seek, the endorsement of President Gloria Macapagal Arroyo. Nor have I authorized anyone to do so.

Ang sino mang may matinong pag-iisip ay higit na maniniwala kay Escudero. Sabihin mang nauungusan siya ng iba sa mga surveys, hindi maitatatwa na may     following siya lalo na sa mga kabataan.

Sabi pa ni Chiz, bayaan na lang daw ang mga katulad ni Gibo Teodoro, Bayani Fernando o Noli de Castro ang maghabol sa basbas ni PGMA at wala siyang paki sino man ang bendisyunan ng Presidente.

Sabi pa niya, hindi pa siya nagdedeklara ng kanyang intensyong tumakbo pero kung gagawin niya ito, ang endorsement ng mamamayang Pilipino ang kanyang pupuntiryahin.

Nakapagtataka kasi kung gagawin ni Chiz ang paratang sa kanya. Nangunguna siya sa mga matinding bumatikos kay President Gloria na kahit “ninang” pa niya sa kasal ay hindi niya sinasanto kung nagkakamali. “Mananatili akong oposisyon” pagbibigay diin ni Escudero.
Kumbaga’y ngayon pa lang nag-iinit sa politika si Chiz. Dapat siyang humanda sa mga mas matinding de­molisyon.

Bahagi iyan ng politika na idinadalangin kong sa­na’y magbago na.

ANIYA

BAHAGI

BAYANI FERNANDO

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

GIBO TEODORO

PRESIDENT GLORIA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with