Extension or no extension?
NAG-IWAN ng palaisipan sa marami ang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Arroyo. Wala siyang kategorikal na pahayag na bababa sa tungkulin matapos ang kanyang termino bilang Pangulo sa Hunyo 2010.
Pati si Bro. Eddie Villanueva ng Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement at iba pang oposisyunista ay nangangambang nakaamba pa rin ang banta ng charter change at term extension dahil ang sinabi lang ng Pangulo ay hanggang 2010 pa ang kanyang termino. Pakutya pa niyang sinabi na bababa siya sa tinutuntungan niyang plataporma pero hindi sa presidency porke matatapos ang term niya sa susunod na taon pa.
Tingin ko’y nang-aasar lang si Gloria dahil sa patuloy na espekulasyon at pagtuligsa sa kanya na kesyo magdedeklara siya ng martial law, babaguhin ang konstitus-yon para maging prime minister at kung anu-ano pang haka-haka sa term extension.
Wala naman talagang choice ang Pangulo kundi sun-din ang itinatadhana ng Konstitusyon. Hanggang Hunyo ng taong 2010 lamang siya at magte-take-over na ang bagong halal na Presidente. Iyan nama’y kung hindi magkakaroon ng scenario para ma-justify ang pagsasa-gawa ng extra-constitutional action para labagin ang nilalaman ng Konstitusyon.
Ang ibig ng mga kalaban sa politika ng Pangulo ay mag-ala-Cory siya. Tuwirang mag-“goodbye” sa kanyang posisyon. Pero si Gloria ay hindi si Cory. Mataas ang pride ni Gloria at walang hibo ng kababaang loob sa harap ng mga pumipintas sa kanya.
Ang “goodbye” ay katumbas ng pagsuko sa kan- yang mga detractors. Kahit tila malayo sa katotohanan ang pahayag niyang lumusog ang ekonomiya, taas-noo niya ito’ng ipinagmalaki. Nabawasan aniya ang mga nagugutom. Pero halos kasabay ng kanyang SONA, lumabas ang survey ng SWS na lalung dumami ang mga taong nagugutom.
Ang payo ni Bro. Eddie, ihanda ang ating sarili sa posibilidad na “no election” o ano mang extra-legal na paraan para manipulahin ang batas para makapanatili sa puwesto ang Pangulo.
Ang pinakamabuting magagawa ng mga Pilipino ay maging mapagmasid. The survival of the nation rests on the citizenry. Habang pinaghahandaan ng bayan ang 2010 general elections, hindi rin tayo dapat maglubay sa pagiging vigilant para mapigilan ang ano mang tangkang suwayin ang umiiral na Saliganbatas ng bansa.
- Latest
- Trending