^

PSN Opinyon

Hugas-kamay ang Palasyo

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SA anumang organisasyon, kapag may ginawa o kinilos ang miyembro na walang pahintulot mula sa nakatataas, ito’y sapat na dahilan para patalsikin siya sa puwesto. Kahit ano pa ang dahilan ng miyembro, kesyo para sa ikabubuti ng organisasyon o ng pinuno, hindi pa rin ito tama. Maituturing na kataksilan sa nasabing organi­sasyon. May alam akong ganyang grupo na sila pa ang nagmamalaki sa isang grupong matagal nang itinayo.

Ito ang nagaganap ngayon sa pamilya ni President Arroyo. Nagpahayag ang Palasyo na wala silang alam o kinalaman sa naganap na miting sa pagitan ni National Security Adviser Norberto Gonzales at mga pinuno ng Simbahang Katoliko at ng Korte Su­prema, para sa pagtatayo ng isang pansaman­talang gobyerno habang inaamyen­dahan ang Saligang Batas. Ito’y binabasa na isa pang kilos para pahabain ang termino ni Arroyo. Hugas-kamay ang ginagawa ng Palasyo ngayon, sa kaliwa’t kanang akusasyon para pahabain ang termino ni Arroyo. Ang mga kilos daw ni Gonzales ay kusa niyang ginagawa at walang pahintulot mula sa Presidente. Kung ganun, ano pala ang gaga­­win ng Palasyo kay Gonzales? Hindi ba katak­silan na iyan sa mukha ng administrasyong Arroyo?

Hindi ko madalas nakikita o naririnig si Norberto Gonzales, di katulad nung isa pang Gonzales na palaging nasa balita dahil din sa mga bu­kambibig niya. Pero sa tuwing nasa balita si Norberto Gonzales, palaging kontrobersiyal. Ano pala ang naiisip niya? Kukunin niya ang basbas ng simbahan at hukuman para makabuo ng isang gobyernong hindi halal ng mamamayan? Ganyan lang ba kadali iyan? At totoo naman kaya walang kinalaman ang Palasyo sa mga kilos nito? Kung talagang wala, sibakin na si Gonzales mula sa kanyang puwesto.

Kung ang National Security Adviser pa ang tila namumuo ng ibang gobyerno, sino pa ang pagkaka­tiwalaan ng tao? At paano magiging kampante ang taumbayan na walang balak para pahabain ang ter­mino ni Arroyo, kung may mga ganitong aksyon na ginagawa ng miyembro ng kanyang opisyal na pa­milya? Di kaya kriminal na aksyon ito? Pero sigurado pitik sa kamay lang ang matatanggap ni Gonzales para sa mga kilos niya! Baka bigyan pa nga ng dangal at puri sa mga darating na araw!

GONZALES

KORTE SU

NATIONAL SECURITY ADVISER

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

NORBERTO GONZALES

PALASYO

PARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with