^

PSN Opinyon

Simpleng paliwanag sa buhay sa mundo

SAPOL - Jarius Bondoc -

NAGHIHINGALO si Wimbledon tennis champion Arthur Ashe — sa AIDS mula sa impektadong dugo sa 1983 heart surgery. Bumaha ang mga liham ng fans mula sa buong mundo. Mapait ang tanong ng isa: “Bakit ikaw pa ang pinili ng Diyos na igupo ng ganyang napaka­samang sakit?”

Mabilis itong sinagot ni Ashe: “Sa buong mundo, 50 milyong bata ang nagsisimula maglaro ng tennis, 5 milyon ang natututo mag-tennis, 500,000 ang umaangat sa professional tennis, 50,000 ang nakakasali sa circuit, 5,000 ang umaabot sa grand slam, 50 ang lumulusot sa Wim­bledon, apat sa semi-finals at dalawa sa finals. Nang hawak ko ang Wimbledon trophy, hindi ko tinanong ang Diyos, ‘Bakit ako?’ Kaya ngayon, sa gitna ng sakit, hindi rin ako dapat magtanong ng ‘Bakit ako?’ Malimit tayo magbilang ng hirap, hindi ng biyaya.”

* * *

Sa sinaunang Greece (469-399 BC), kilala si Socra-tes sa lalim ng pag-iisip. Isang araw sinalubong siya ng isang kakilala na bumati, “Guro, alam mo ba kung ano ang narinig ko tungkol sa isa mong estudyante?”

Inawat agad siya ni Socrates: “Sandali lang. Bago mo ako kausapin tungkol sa estudyante ko, gusto kong pu­masa ka muna sa Test of Three. Tatlong pagsubok: Una, tungkol sa katotohanan. Beripikado ba na ang sa-sa­bihin mo sa akin ay totoo?”

“Ha, a, e,” nangapa ang kakilala, “narinig ko lang pi-nag­tsitsismisan.”

“Hmm, so hindi mo tiyak kung totoo,” ani Socrates. “Ngayon ang ikalawang pagsubok: Ang kabutihan. Ang sasabihin mo ba sa akin tungkol sa estudyante ko ay makakabuti?”

Lagpak na naman ang kakilala, na umaming pangit ang balita.

“Balak mong magbalita ng hindi makakabuti at hindi ka tiyak na totoo,” iling ni Socrates. “Sana maipasa mo ang ikatlong pagsubok: Ang halaga. May maitutu­long ba sa akin ang sasa­bihin mo tungkol sa estud­yante ko?”

Napahiyang umalis ang kakilala. Kaya hindi na nai­­pa­batid kay Socrates na ina­ alembungan ang kan­yang misis ng estudyanteng si Plato.

ARTHUR ASHE

BAKIT

DIYOS

KAYA

SHY

TEST OF THREE

WIMBLEDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with