^

PSN Opinyon

'Child snatching o missing person only?'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MARAMI ang hindi nakakaalam na dumarami ang kaso ng mga nadudukot na sanggol o paslit, tinawag ito ng BITAG bilang modus ng child snatching.

At nakaaalarma ang ganitong kaso dahil kung pagba­basehan ang statistika, ang child snatching ay naisa- sama na lamang sa mga kaso ng nawawalang bata o missing person.

Subalit sa imbestigasyon ng BITAG, malaki ang pagkakaiba ng mga kasong nawawalang bata sa mga nadudukot.

Naging interesado ang BITAG na pasukin ang imbes­tigasyon sa mga kaso ng child snatching dahil sa mga sunod-sunod na inang nagtutungo sa aming tanggapan upang sana’y manawagan lamang.

Lumalabas, may estilong sinusunod ang sindikatong nasa likod ng child snatching, magmula sanggol hang­gang dalawang taong gulang na bata ang target ng mga itong dukutin.

Mga edad ng batang hindi pa makakapagsalita at maka­kapalag sinuman ang humawak o kumuha mula sa kanilang mga magulang.

Bukod dito, karamihan sa mga nadudukot na bata ay nasa mga matataong lugar katulad ng palengke, parke, tianggean at mall.

Sa mga kasong lumapit sa amin, ang mga inang nabiktima ay pawang mga vendor o tindera.

Ayon sa isang crime expert, babae ang laging gina­gamit na tirador ng grupo. Mula beinte singko hanggang kuwarenta anyos ang mga ito upang hindi halatang hindi sa kanya ang batang bitbit na kanyang dinukot.

Iisipin lang daw ng kahit sino na ito ay anak niya, kumbaga makikita ang ima-he ng isang pagiging ina.

Mataas din daw ang pag­kakataon na hindi pumapa-lag ang batang kanilang ki­nukuha dahil aakalain la­mang ng bata na ito ang kani­yang tagapag-alaga o ang kanyang ina.

Ang tanong, sino nga ba ang awtoridad na lalapitan ng mga magulang na nadukutan ng anak? May task force bang nakatutok sa child snat­ching? Ano ang dahilan ng sin­dikato upang mandukot ng mga bata sa murang edad ng mga ito…

Ilan lamang ito sa mga lilinawin namin bukas ng gabi sa IBC 13. Abangan!

ABANGAN

ANO

AYON

BATA

BUKOD

IISIPIN

ILAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with