^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bakit may OFWs sa Afghanistan?

-

SAMPUNG Pinoy workers ang namatay sa Afghanistan makaraang bumagsak ang sinasak­yang helicopter sa Kandahar Air Base noong Ling­go. Kamakalawa, tatlo pang Pinoy ang iniulat na nasa critical na kalagayan samantalang dalawa pa ang iniulat na nawawala. Nang malaman ng mga kaanak sa Pilipinas ang nangyaring trahedya, naka­lulunos ang kanilang hagulgol, may hinimatay, hindi maawat sa pag-iyak at karamihan ay labis na nag­tataka kung bakit nasa Afghanistan ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang pagkaalam nila, nasa Dubai ang kani-kanilang mga asawa at doon nagta­trabaho bilang welder at construction worker.

Sumabog na ang malagim na katotohanan, na ang kanilang mga mahal sa buhay ay nabiktima ng illegal recruitment. Illegal sapagkat hindi pinapa­yagan ng gobyerno ang mga Pinoy na makapag­trabaho roon. Masyadong magulo sa Afghanistan na walang ipinagkaiba sa Iraq at Nigeria. Pinapatay na parang manok ang mga sibilyan doon at walang patawad kung magtanim ng landmines. Maski ang mga Amerikano ay ingat na ingat sa pagkilos doon.

Patungo umano sa site ang helicopter na may sakay na mga Pilipino, Amerikano at Sri Lankan nang biglang magkaaberya ilang minuto makaraang mag-take-off. Bumagsak sa military base. Nabatid na ang mga 13 Pinoy workers ay ni-recruit para magtrabaho sa AIM, isang US based construction firm na nakakontrata sa NATO.

Isang malaking problema ngayon ay kung paano makakakuha ng benepisyo ang mga namatay na Pinoy sapagkat lumalabas na undocumented. Ilegal ang kanilang pagtungo sapagkat ipinagbabawal nga ang pagtatrabaho sa Afghanistan. Maski ang Department of Foreign Affairs ay nagtaka kung paa­no nakapasok sa Afghanistan ang Pinoy workers.

Corruption ang nakikitang dahilan kung bakit nakarating sa Afghanistan ang mga Pinoy worker. Kawing-kawing na sabwatan ng recruiter at mga taga-airport ang nangyari. Pera-pera lang ang laba­nan para makalabas ng bansa ang mga Pinoy na nagnanais kumita para sa pamilya.

Marami pang Pinoy workers ang tiyak na nasa Afghanistan at nakikipagsapalaran. Dapat magka­roon ng masusing imbestigasyon ang pamahalaan sa nangyayaring ito. Kung hindi kikilos, mara-mi pang Pinoy workers ang mauubos.

AFGHANISTAN

AMERIKANO

BUMAGSAK

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KANDAHAR AIR BASE

MASKI

PINOY

SHY

SRI LANKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with