^

PSN Opinyon

Whistler

PILANTIK - Dadong Matinik -

Ang Whistler ay isang pook sa Canada

Na pinagsasadya ng mga turista;

Iba’t ibang tao doo’y makikita –

Mga adventurist at mga turista!

Sa pagpunta roo’y bus ang sasakyan

Mga Greyhound Liner ang nasa terminal;

Sa tabi ng dagat ito’y namamaybay

Kay gandang tanawin ang mapagmamasdan!

Kung dito sa atin ay papuntang Baguio

Pawang paitaas ang lalakbayin mo;

Kaibhan nga lamang hindi bakubako

Malayo sa bangin hindi delikado!

Nang aming sapitin ang nasabing lugar

Lamig ng panahon naramdaman agad;

Yao’y isang village na parang X-mas card

Berde ang paligid – pamiliha’y lantad!

Ang bata’t matanda ay nagpapasyalan:

May Hapon, may Chinese at mga Canadian;

Mga mountain climber at skiers lamang

Ang bitbit ay gamit sa mga akyatan!

Kami’y Pilipinong di mo akalain

Sa naturang lugar ay makararating;

Tatlo’t kalhating oras bago mo sapitin

Pagbalik sa downtown gayong katagal din!

Ang nakita roo’y malalaking bahay

May hotel at condo, loteng bakasyunan

Maayos ang lugar malamig nga lamang

At walang polusyong dala’y karamdaman!

Ang Canadian Mountain ay aming naakyat

Sakay ng cable car pababa’t pataas;

Ang bundok na yelo’y pagkataas-taas

Kinakas na yelo doo’y nakalatag!

May oras ang dating ng mga sasakyan

Kaya sa pagsakay may pilang daratnan;

Hindi pwede roon ang una-unahan –

Kung huli ay huli walang palakasan!

ANG CANADIAN MOUNTAIN

ANG WHISTLER

BERDE

KAIBHAN

KAYA

KINAKAS

MAY HAPON

MGA GREYHOUND LINER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with