NAPANOOD ko ang aking kapatid na si Ike habang iniinterview sa ABS-CBN Channel 2. Nagulat ako sa kanyang sinabi na posibleng mangyari na magkaroon pa ng dagdag-bawas sa darating na election kahit ito ay computerized na.
Taliwas ang sinabi ni Ike sa sinasabi ni Comelec Chairman Jose Melo na hindi na madadaya ang election dahil ito nga ay computerized na. Sino kaya sa kanila ang nagsasabi ng totoo?
Si Ike ay dating director general ng National Com- puter Center, dating Commissioner ng Y2K Commission at dating Chairman ng National Crime Information Sys- tem. Sa makatuwid, alam niya ang kanyang sinasabi.
Ayon kay Ike, actual na nangyari sa Wao, Lanao Del Sur na kung saan pinasok ng Smartmatic ang server ng Comelec at binago nila ang record ng botohan habang kasalukuyang may election pa. Ito rin ang sinabi ni Mano Alcuaz, isa pang computer expert sa kanyang column sa Inquirer.
Sa paliwanag ni Ike at ni Mano, binago ng Smart-matic ang record upang gawing 203 ang boto na galing sa limang presinto ng Wao, mula sa original record na zero. Naging zero ang record dahil ayon sa programa ng voting machine, dapat gawing zero ang bilang kung sobra na sa 200 ang boto. Naging 203 ang boto dahil bomoto ang tatlong miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI).
Sa totoong usapan, tama naman talaga ang bilang na 203, ngunit hindi dapat ginalaw o binago ng Smartmatic ang resulta, dahil bawal na gawin ito habang may election pa. Dahil sa ginawa ng Smartmatic, nagkaroon tuloy ng actual na halimbawa na kaya palang baguhin ang resulta ng election kung gustuhin na gawin ito, o di kaya may makaisip na ipag-utos na gawin ito.
Dahil sa ginawa ng Smartmatic, naging posible na ang babala ni Gus Lagman, isa pang computer expert na nagsabi na ang dapat na -ting bantayan ay hindi ang mga hacker na galing sa labas, at sa halip ay dapat nating bantayan ay ang mga gagawa ng inside job, at sinabi pa ni Gus na hindi na nga hacking ito dahil maari talagang gawin ito na may pahintulot ga- ling sa loob o di kaya galing sa itaas.
Dahil sa sinabi ni Ike, ni Mano at ni Gus, nakita na natin ang possibility na maaari nga talagang maulit ang ginawa ni Garci, dahil may paraan pala na tumawag na naman ang isang taong may poder na magsasabi na baguhin ang record ng botohan.