Llamado si SILG Ronnie Puno!
GUSTO at dehins pala putol este mali tutol pala si Senator Mar Roxas, isa sa mga ‘presidentiable’ candidate sa 2010 na maging ka-tandem niya si DILG Secretary Ronnie Puno, na kakandidato naman Vice - Prez next election.
Mula kasi ng magdeklara ng giyera este mali pagka- Vice Prez si Ronnie for next year ay alaws ng bumatikos dito sa ngayon kaya kahit opposition ay parang gustung -gusto siyang maging kakambal este mali tandem pala. Mukhang hindi na serious si Mar na isama sa ticket niya si Senator Ping Lacson, na umayaw sa karera este sa pagtakbo ng Prez of the Philippines my Philippines.
Ginusto kasi ni Mar na kunin kasangga si Ping sa kanyang ticket pero mukhang ayaw na nitong tumakbo sa 2010 election.
Bakit kaya?
Umamin kasi si Ping, na hindi niya kayang tumakbong Prez of the Republic of the Philippines dahil alaws siyang panggastos.
Ika nga, pondo!
Si Ronnie ang nakita ni Mar na puedeng manalo sa pagka-Vice Prez kaya naman sinunggaban niya agad ang una dahil alam ng huli ang credible si Ronnie.
Administrator at political operator, si Ronnie alam ito ni Mar dahil tatlong Prez sa Philippines my Philippines ang naipanalo ni Roonie tulad nina Fidel V. Ramos last 1992, Erap last 1998 at GMA the last time around este mali noon 2004.
Sa palagay ng mga animal observer este mali political pala ay nakikita natin, si Ronnie ang malamang magdadala kay Mar at hindi the other way around dahil itong huli, kung sarili lang niya ay mahihirapan magwagi. hehehe!
Totoo kaya ito?
Mabigat ang kredibilidad ni Ronnie kaya naman nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit kahit siya na mismo ang nagsabi na tuloy ang 2010 elections next year, ay sangkaterba pa rin ang nagsasabi o nagpipilit sa ‘No-El scenario.
Naku ha!
Pangako ni Ronnie sa madlang people of the Republic of the Philippines tuloy na tuloy ang 2010 election kaya dapat tayong maghanda ng mga politikong iboboto natin next year.
Sabi nga, para walang sisihan!
Manual man o computerized, iisa ang pangako ni Ronnie, may koleksyon este mali eleksyon sa isang taon.
Abangan, ang pangako!
PASG versus OMB
MATAPOS kasuhan ni PASG bossing Bebot Villar ang Bureau of Customs sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y oil smuggling mukhang ipaghaharap naman nila ng sakdal ang Optical Media Board dahil sa pagkawala ng hinuli nilang replicating machines sa Quezon City.
Hindi biro ang halaga ng replicating machine na tinara ng PASG, million of pesos ang halaga nito.
Ang problema nawala ang hinuli nila sa Quezon City at ang PASG ni Bebot ang itinuturong tumira ng mga makina?
Naku ha!
Kaya naman si Bebot ay nagwawala sa galit dahil pinagbibintangan sila na nagnakaw ng makinang kanilang hinuli matapos nila itong i-turnover sa OMB.
Paano ngayon ito?
Sino ang culprit sa dalawang ahensiya ng gobierno?
Ang PASG ba, o ang OM?
Sabi ni Bebot, bago nila isalin sa pag-iingat ang mga makina sa OMB ay tumawag sila ng Barangay echetera para maging witness sa turnover ceremony. Hehehe!
Ayon sa smuggling czar, may mga witness umano sila na magpapatunay na kinuha sa bodega ang makina at isinakay sa mga sasakyan na nakuha naman ang plate number ng mga ito.
Sabi ni Bebot, ng ipa-verify nila ang mga sasakyang sinakyan sa LTO ay mga sasakyan daw ito ng OMB?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Siguro dapat itong imbestigahan ng Kongreso para malaman ng madlang people kung sino ang nagsasabi ng totoo ang PASG ba o ang OMB?
Abangan.
- Latest
- Trending