^

PSN Opinyon

Planado ba ito?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Masyado namang malakas ang amoy nito. Nanga­nganib na ang full automation ng darating na halalan, dahil ang magpartner na kompanya na nakakuha ng kon­trata ay tila maghihiwalay na! Matapos ang ilang buwang pagsusubasta, pagsusuri sa kakayanan ng mga kom­panya, pagbibigay ng mga tawad nila sa proyekto, pagsu­sumite ng mga kinakailangang dokumento, mauuwi lang sa wala, at babalik na naman sa mano-manong pagbibi­lang? At nataon naman na may usap-usapan na kakilala ni Unang Ginoo Mike Arroyo ang kompanya na nagwagi. Kaya raw sila ang nanalo dahil nga may malakas na padrino. Agad namang pinabulaanan ito ng Palasyo, pati na ang Comelec. Hmmm...

Ang problema raw ay hindi magkasundo ang dala-wang kompanya – Smartmatic at TIM – sa ilang mga isyu ukol sa pagpapatakbo ng mabubuong kompanya. Luma­labas na mas kontrolado ng Smartmatic ang mga maha­halagang bahagi ng kumpanya, katulad ng paghawak sa pondo at sa aspetong teknikal. Sa madaling salita, parang saling-pusa na lang daw ang TIM. Mahirap talaga ang ganyang mga sosyo-sosyo. Diyan madalas naghihiwa-lay ang matalik na magkakaibigan, kamag-anak, pati   mag-asawa. Kapag pera na talaga ang pinag-uusapan, nawa­wala na ang lahat!

Pero may isang anggulo na nakikita ang ilang tao. Di kaya sinadya ito? Di kaya planado ito, para hindi nga matuloy ang full automation ng halalan, na sinasabi nilang mas mahirap dayain? Nagsabi na si Chairman Jose Melo ng Comelec na kung hindi magkakaayusan ang dalawang kompanya at wala pang masaradong kontrata, hindi na matutuloy ang full automation, at babalik na naman sa mano-mano. Baka naman iyon ang kagustuhan ng ilan diyan. Lalabas na hindi nila kasalanan, na hindi sila ang sumira sa planong full automation.

Ang sisi ay nasa mga kompanya, na maaaring nabilinan na para tanggapin ang mga batikos! Idugtong mo naman ito sa “Oplan August Moon” kung saan kikilos daw ang militar, partikular ang class’78 ng PMA, para pahabain ang termino ni President Arroyo. Kung baga, kabaliktaran ng naganap sa Honduras kung saan tinang­gal ng militar ang nakaupong presidente dahil sa mga kilos niyang pahabain ang kanyang terminong panu­nungkulan, sa pamamagitan ng pagpalit ng Saligang Batas. Parang narinig ko na yun ah!

CHAIRMAN JOSE MELO

COMELEC

DIYAN

OPLAN AUGUST MOON

PRESIDENT ARROYO

SALIGANG BATAS

SHY

SMARTMATIC

UNANG GINOO MIKE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with