Natutuwa naman ako at nakabalik na sa aming pro-grama sa radyong Tambalang Failon at Sanchez si Ted Failon. Halos dalawang buwan din siyang nawala dahil sa trahedyang naganap sa kanilang buhay. Bagama’t medyo nagbago na rin ang anyo ng programa namin dahil sa ako’y on leave sa radyo, alam kong maipagpapatuloy ng aking partner ang trabaho at serbisyo namin. Pinlano kong sumalubong kay Ted sa kanyang pagbabalik sa radyo, ngunit may mahalaga rin akong kailangang gawin sa ibang bansa, kaya tinawagan ko na lang siya noong siya’y on board na.
At maganda naman ang umpisa ni Ted sa kanyang pagbabalik. Pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong at nagbigay ng suporta sa kanya, sa kanyang pinakamahirap at pinakamadilim na mga araw. Hindi biro ang nangyari kay Ted at sa kanyang pamilya. At puwedeng pasalamatan ang Quezon City Police District dahil dito. Ibang klase ang dinaanang paghihirap at pagma malabis nila. Mabuti naman at pumasok ang NBI at naging hustisya para kina Ted ang kinalabasan ng kanilang imbestigasyon. Nang matapos na ang imbestigasyon, ay nagpagaling na muna ng mga sugat, ika nga, si Ted at ang kanyang pamilya. Ngayon, nakabalik na siya. Salamat sa Diyos!
Hindi ako nagsisinungaling na sabihing nami-miss ang aming tambalan. Ilang taon ding kaming magkasa-ma ni Ted sa industriya. Pero alam naman na siguro ng lahat kung bakit ako’y nag-leave. Dahil sa personal na magaganap sa aking buhay, pati na rin ang patakaran ng ABS-CBN ukol dito. Pero alam kong magagampanan ni Ted ang kanyang tungkulin bilang komentarista. Alam kong hindi mababawasan ang kanyang tapang at anghang, sa pagpuna at pagbatikos ng kamalian at katiwa-lian sa ating bansa.
Nang marinig ko siya sa radyo, alam kong nakabalik na siya katulad ng dati! Nasa tabi pa rin niya ang kan-yang kapamilya, kasama na ako, para magbigay ng suporta sa lahat nga kanyang dadaanan bilang komentarista. Ako naman ay naka leave lamang, at kung pagpapalain ng mamamayan ng mahal nating bansa, mas makatutulong pa ako sa marami, gaya na rin ng lagi kong ginagawa noong ako’y kasama pa ni Ted Failon sa radyo.
Kaya sa aking partner, maligayang pagbabalik, at itu-loy mo ang magandang tungkulin at layunin mo, para sa kapakanan ng lahat ng mamamayan!