^

PSN Opinyon

Pamumuhunan sa OFWs

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

Sa buong daigdig at sa kasaysayan ng mga sibilisasyon, napatunayan na tama ang pilosopiyang “investing in people” upang maisulong ang maayos na pamumuhay ng mamamayan. Ang mga mauunlad na bansa ay natamo ang kanilang kasalukuyang status dahil naglaan sila ng sapat na atensiyon, pondo at mga programa sa pagpa­pa­taas ng skills ng mamamayan lalo ang mga manggagawa.

Bilang bahagi ng pilosopiyang ito, dapat mag-invest nang sapat ang pamahalaan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) partikular sa kanilang mga batayang pangangailangan.

Ito ang panawagan ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congres­sional Oversight Committee on Labor and Employment.

Ilan aniya sa mga batayang pangangailangang ito ng mga OFW ay ang health care, skills training at pabahay, gayundin sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Bukod sa mga layunin ng pamumuhunan sa mama­mayan, partikular sa mga migranteng manggagawa, ang ganitong hakbang ay bilang ekspresyon din ng pagkilala at pasasalamat ng pamahalaan sa napakalaking kontri­busyon ng mga OFW sa ating ekonomiya. Maraming beses na rin ngang napatunayan na ang OFW remittance ang mismong sumasagip sa ekonomiya mula sa tuluyang pagbagsak laluna sa mga panahong may krisis sa pananalapi tulad ngayon.

Ayon kay Jinggoy, hindi dapat sa “technical investments” lang tulad ng mga imprastraktura magtuon ang pamahalaan, bagkus ay mas malaki pa nga dapat ang pondong inilalaan nito sa “social investments” o kapakanan ng mga mama­mayan.

Ang ganitong istratehiya ang dapat gawin ng gob­yerno. Agad makikita ang napaka­gandang resulta nito para sa bawat OFW, kanilang pamilya at sa bansa.

Sa mga gustong lumi­ham kay Senate President Pro Tem­pore Jinggoy Ejer­cito Es­ trada, ipadala ito sa kan­yang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin na hindi tinutugunan ng tang­gapan ang mga solicitation letter.


EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY EJER

LABOR AND EMPLOYMENT

OVERSIGHT COMMITTEE

PASAY CITY

SENATE COMMITTEE

SENATE OF THE PHILIPPINES

SENATE PRESIDENT PRO TEM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with