^

PSN Opinyon

'Mailap ang hustisya...'

- Tony Calvento -

“BIGLANG BIGLA ang mga pangyayari. Isang malakas na tunog ng bakal sa bakal. Talsikan ang mga salamin sa mukha ko. Biglang nawalan ako ng malay. Nang subukan kong imulat ang aking mga mata nasilaw ako sa ilaw. Ito pala ay ilaw na galing sa emergency room ng ospital. Milagrong nakaligtas ang asawa ko subalit iniwan naman siyang baldado.”

Ito ang mga pahayag ni Amina Hinguillo ng Sta. Rosa, Laguna ay inihingi ng tulong ang nangyari sa kanyang asawa na biktima ng aksidente.

Nobyembre 4, 2004 bandang alas syete ng umaga papasok si Carlito Hingullo sa kanyang trabaho sa Makati.

Habang binabaybay ang ‘service road’ ng kanyang motorsiklo sa Global City siya ay nabundol ng isang Lite Ace Van.

 Naging mabilis ang pangyayaring aksidente kay Carlito na sing bilis din ng takbo nitong Lite ace Van na nagawang maihagis siya sa kalasada at halos madurog ang kanyang motor.

Nakita nila Fernando at Sabina ang sinapit na aksidente ni Carlito kaya agad nila itong nilapitan.

Sa mga panahong iyon ay kasalukuyang dumaan si Fr. Bernie Diaz at tinulungan niyang dalhin sa pinakamalapit na ospital si Carlito.

Tinawagan si Amina ng Muntinlupa Hospital at pinagbigay alam na ang kanyang asawa ay kasalukuyang andun at ginagamot ng mga doktor sa mga natamo niyang sugat.

“Nagulat ako nung tinawagan ako ng ospital at sinabi na naaksidente ang asawa ko. Pinuntahan ko siya agad para malaman ko kung ano ang kanyang kalagayan. Nakita kong tinatahi ang kanyang mga sugat sa leeg, noo at kilay,” sabi ni Amina.

Naging madamdamin ang mga eksena ng nakita ni Carlito ang kanyang asawa sa ospital. Ang tanging sinabi na lamang nito kay Amina ay ang pag hingi ng tawad dito sa nangyaring aksidente sa kanya.

Tinanong ni Amina kay Carlito ang mga pangyayari. Nalaman ni Amina na si Dalmacio de Guzman Verde ang nagmamaneho ng van na nakabundol sa kanyang asawa.

Habang isinasalaysay ni Carlito ang pangyayari ay biglang sumakit ng matindi ang kanyang tyan. Agad tinawag ni Amina ang mga doktor para ipagbigay alam ang nararamdaman nito.

Sinabi ng mga doktor na nagdurugo ang kanyang bituka at kailangan siyang operahan. Pinutol ang halos 21 cm ang kanyang bituka para maiwasan ang impeksyon.

“Yung mga panahong iyon ang tindi ng takot ko akala ko mawawalan na ako ng asawa dahil sa nangyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang ginawa ni Dalmacio kay Carlito,” pahayag ni Amina.

Naging matagumpay ang operasyon kay Carlito ngunit sa kanyang pang apat na araw ay kailangan naman lagyan ng bakal ang dalawang ‘wrist’ dahil nadurog ang kanyang mga buto dito.

Ang buong akala ni Amina ay dun na natatapos ang kanyang kanilang kalbaryo sa aksidente sinapit ng kanyang asawa ngunit mas lalo pang lumala ng sinabi ng doktor na may namumuong dugo sa ulo ni Carlito.

Nang nagkausap si Amina at Dalmacio ay nangako itong tutulong sa mga gastusin ni Carlito sa ospital ngunit hindi ito tumupad sa kanyang pangako.

Taong 2004 dahil sa nangyaring pag-iwan ng responsibilidad ni Dalmacio kay Carlito ay minabuti ni Amina magsampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property with Serious Physical Injuries laban sa kanya sa Prosecutor’s Office sa Muntinlupa.

Nagkaroon sila ng pagdinig sa kaso ni Carlito at nalabasan ng Warrant of Arrest si Dalmacio. Nakapagpiyansa si Dalmacio ng dala­wang beses matapos siyang labasan ng warrant of arrest.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa din ang pagdinig ng kanilang kaso. Parating naaantala ang pagdinig ng kaso at nagiging usad pagong dahil nagkasakit umano itong si Dalmacio.

Siya daw ay na ‘stroke’ kaya hindi ito makapunta sa tuwing sila ay pinapatawag.

Nagbigay ang abogado ni Dalmacio ng Medical Certificate na nagsasabi na na-stroke siya. Hindi daw madaling makakapunta si Dalmacio kung sila ay ipapatawag ng Judge.

“Paano na lang kung ililipat sa Cabanatuan yung kaso namin. Kami na nga ang na perwisyo kami pa ba ang kailangan na mag-adjust para sa kaso na ito?,” mariing pahayag ni Amina.

Na alarma si Amina sa kung ano ang pwdeng maging desisyon ng Judge sa kanilang ipinaglalaban kaya minabuti niyang lumapit sa aming tanggapan upang malaman kung ano ang pwdeng niyang gawin.

Para sa lubusang tulong nakipag-ugnayan din kami kay City Prosecutor Edward Togonon ng Muntinlupa para maghain ng “opposition” at isumite sa Korte Suprema sa tanggapan ng Supreme Court Administrator dahil sa Muntilupa nangyari ang kaso dun dapat dinigin ito. Hindi dapat ilipat ang kaso.

Maari naman ang kagalang-galang na hukom ay “mag-appoint ng court physician” para tingnan nga kung totoong hindi kayang magpunta sa hearing.

Ano naman kasi ang ginagawa ng prosecutor sa kasong ito? Natutulog sa pansitan ba? Hindi man lang nakipag-confer sa hukom upang i-discuss ang sitwasyon na ito na hindi paborable sa “complainant” at kung toto ngang may sakit ito at “if he is not “feigning illness or malingering to evade prosecution” then he should be penalized. Justice delayed is justice denied.

Prosecutor bakit hindi ka nagfile ng Motion to Ascertain para alamin kung totoo nga ang nasa medical certificate? Inupo ba yung doktor sa korte para sumpaan niya at tumestigo na hindi kaya nitong si Dalmacio dumalo sa hearing.

Judge naman, ang paglipat ng kaso sa Cabanatuan ay nangangahulugan ng “undue delay” sa kasong ito. Kasama kaming nakikiusap na gamitin mo ang iyong “Solomonic wisdom” at resolbahin ito dahil mag-aapat na taon na yata ito..

Ang nakapagtataka base sa mga records ng kasong ito hindi naman hinigi ng “defense” para mag “Change of Venue.” Si Judge ang sumulat “motto propio” ibig sabihin niyan sarili niyang sikap (bakit kaya?) na ilipat ang kaso sa Cabanatuan.

Sa isa pang banda, kung gustong matuloy ang kasong ito na ilang taon nang nakabinbin, bakit hindi pumirma itong akusado ng “waiver of appearance” dahil maari naman yan. Subalit, ang malungkot hindi ganito ang takbo ng kaso! (KINALAP NI DEN VIAÑA)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

NAIS KO LAMANG batiin si Atty Willie De-Ungria at Ms Jenny Ortouste at maraming salamat dahil sa inyo dalawa libo-libong pinoy ang mas lalong matutuwa sa kanilang panonood ng kanilang paboritong “past time.” Si Jenny na yata ang isa sa may tinag-uriang “the woman with the dreamy ang lovely voice.”

* * *

Email: [email protected]

AMINA

CABANATUAN

CARLITO

DALMACIO

KANYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with