^

PSN Opinyon

Sec. Gonzales, tinapakan ni Atong dahil sa jueteng

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HABANG tikom ang bibig ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa jueteng isyu, sinasamantala naman ng paroladong si Atong Ang ang pagpalaganap ng kanyang ilegal na negosyo sa Cavite, Camarines Norte, Isabela, Nueva Vizcaya. At dahil nga sa masalimuot ang Senado sa kasalukuyan sa paghalukay ng kani-kanilang baho ay nakaligtaan na ang pag-aksyon sa mga pa­nawagan ng Simbahang Katoliko na mapatigil ang malawakang jueteng operation.

Sa kasalukuyan, abala ang mga senador sa paggisa ng kapwa nila senador na nag-aambisyong maging presidente sa 2010. Walang inaatupag ang mga senador kundi ang paghalukay sa mga proyektong may tongpats at pagbibigay ng proteksyon kay ZTE-NBN star witness Jun Lozada na bakasakaling makakuha ng pogi points.

Noong panahon ni dating president Joseph “Erap” Estra­da para silang mga palakang kokak nang kokak. Ngunit ngayon tahimik silang lahat sa isyu ng jueteng. Bakit kaya mga suki? Marahil kabilang din sila sa operasyon ng jueteng upang makalikom ng pera na ipa­mumudmod sa darating na kampanyahan. Ito kasi ang pinaka­madaling pamamaraan para makalikom nang malaking pera na ibibili ng boto. Get nyo mga suki?

Kaya marahil namamayagpag si Ang sa kanyang jueteng na ang front ay ang franchise ng Small Town Lottery (STL) upang makabawi sa iniluwang atik kapalit ng kanyang kalayaan. At ngayon na isang katerbang mata­taas na opisyales ng pamahalaan ang kanyang nabulag, malaya na rin siyang ikalat ang kanyang negosyo at katiting lang ang kanyang ibinabahagi sa kaban ng bayan. Katulad na lamang sa kanyang pa-STL umano sa Cavite na ang kubransa ay umaabot sa P2,680,00 araw-araw subalit ang napupunta sa Philippine Charity Sweepstakes Office ay P1,000.00 lamang. Talagang nag-uumapaw ang bulsa ni Ang kaya walang kaduda-duda na ang lahat ng kanyang mga kasanggang pulitiko ay mapuwesto sa 2010.

Maging ang Iloilo na pinagmulan ni DOJ Sec. Raul Gonzales ay napasok na rin pala ni Ang kaya sa mga da­ra­­ting na araw ay magiging malala na rin ang krimi­nalidad at gutom. Paano pa pakikilusin ni Gonzales ang kanyang mga matitikas na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kung siya mismo ay tinapakan ni Ang nang harap-harapan? Kabilang kaya si Gonzales sa mga nakausap ni Ang para palaganapin ang kanyang hokus-pokus na STL sa Iloilo?

Para sa kaalaman ni Gonzales narito ang mga bayan at koleksyon ni Ang araw-araw. Sa Iloilo City, tuma­taginting na P280,000; Balasan, 90,000; Dumangas 90,000; Dingle 110,000; Lemery 180,000; Passi 85,000; Sara 100,000; Anilao 210,000; Estancia 250,000; Alimodian 95,000; Conception 110,000; Mina 80,000; Batad 70,000; Pavia 160,000; Pototan 140,000; Santa Barbara 100,000; San Dionisio 85,000 at Cabatuan 120,000 ngunit ang napupunta sa PCSO ay P1 milyon din lamang.

Kinasabwat din umano ni Ang sina Quinones, Acheta at Sabella upang mawala ang hadlang sa kanyang panloloko sa administrasyon ni PGMA. Aba PCSO chairman Sergio Velencia kumilos ka at baka sa darating na mga araw ay kaladkarin ka rin ni Ang sa kulungan katulad ng ginawa      niya sa kanyang matalik na kaibigang Erap. Abangan!

ATONG ANG

CAMARINES NORTE

CAVITE

DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

ERAP

GONZALES

KANYANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with