^

PSN Opinyon

'Lupa, hindi tubig!' - DENR 3

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

Lumabas na ang resulta ng imbestigasyon ng Department of Environment and Natural Resources Region 3 hinggil sa tunay na survey report sa bundok na matatag­puan sa Bgy. Bolitok, Sta. Cruz, Zambales.

Matatandaan na Nobyembre ng 2008 nang mang­himasok ang BITAG sa kaso ng pagsira at panlala-pas­tangan ng kompanyang DMCI sa bundok sa nasa­bing lugar. Ito’y dahil sa humingi ng tulong ang mga     residente ng Brgy. Bolitok sa BITAG dahil sa naper- wisyo at nabula­bog nilang pamumuhay dahil sa pag-tibag sa parte ng bundok na pumuprotekta sa kanilang bayan.

Naglakas-loob ang DMCI na walang pakundangang tibagin at patagin ang bundok dahil sa ipinalabas na pangalawang survey report ng DENR-3 na ang lupang may numerong 3566 at 3600 ay lubog daw sa tubig. Subalit umamin sa BITAG ang unang geodetic engineer ng DENR-3 na nagsukat sa nasabing bundok na ang mga loteng nabanggit ay lupa at parte ng bundok mismo.

Kaya nga raw siya nasuspinde ng dating executive director ng DENR 3 na si Regidor De Leon ay dahil ayaw niyang ideklarang lubog sa tubig ang kanyangsurvey report sa espesipikong lote.

Nitong Miyerkules, tinungo ng BITAG ang tanggapan ng DENR-3 sa San Fernando, Pampanga kung saan nakaharap na ng BITAG ang bagong-upong direktor na pumalit kay De Leon.

Hindi na kami nagulat sa resulta ng kanilang bagong imbestigasyon dahil ma­ging sila, napatunayang lupa o bundok at hindi lu-bog sa tubig ang lot 3566 at 3600.

Malinaw na may proble­ma at may anomaly sa pag­kakabigay ng dating pamu­nuan ng DENR Region 3 ng fore sure lease agreement sa DMCI.

Alamin ang mga katoto­hanang natuklasan ng BI­TAG sa kasong ito. Mali-naw pa sa sikat ng araw ang mga pagkakamali, ano­malya at katiwalian sa kon­trobersiyang ito.


ALAMIN

BOLITOK

BUNDOK

DE LEON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES REGION

NITONG MIYERKULES

REGIDOR DE LEON

SAN FERNANDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with