Parusahan ang mga pulis na sabit sa droga

Nakalulungkot na hangga ngayon ay nadadawit pa rin ang ilang bulok na pulis sa mga kriminalidad tulad ng pangangalakal ng droga. Hindi man direkta ang partisi­pasyon ay nagiging kakutsaba sila para makapagpatuloy ng operasyon ang mga drug lords.

Kahapon ay iniutos ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Versoza ang pagsibak sa may 13 pulis sa Metro Manila. Ang dahilan, hinihinalang protector sila ng mga sindikato ng droga. Kaugnay ito ng pinag-ibayong kampanya ng PNP laban sa talamak na bawal na gamot na nagwawasak sa buhay ng marami nating kaba­bayan. Hindi lamang kabataan ang pinipinsala ng salot na ito kundi marami na ring nakatatanda ang lulong sa demonyong bisyong ito.

Pinansin ni Versoza ang pagkakadismis ng ilang kaso laban sa mga drug traffickers na ang dahilan ay ang hindi pagsipot ng mga pulis na humuli sa kanila sa mga court hearings.

Palagay ko Chief Versoza, hindi sapat ang pag-dismiss sa mga pabayang pulis na iyan. In fairnmess to them, siyasating mabuti ang partisipasyon nila sa operasyon ng mga drug traffickers at ipagharap ng karampatang sakdal at parusahan kapag napatunayang nagkasala.

Isa lamang ang malinaw na rason kung nilalaglag ng mga pulis na iyan ang hinahawakang kaso. Malamang - ang kinang ng salapi. Alam naman natin na hindi birong halaga ang hinahakot ng drug trade at madaling maglaan ng pondong pantapal sa mga pulis. May kasabihang “money talks.” Kapag salapi ang nangusap, lusot kahit kriminal. Mahusay na abo­gado si “Ninoy.”

Batik sa malinis na ima-he ng pulisya ang ganyang mga scalawags at hindi lamang dapat suspendihin   o itiwalag sa puwesto kundi dapat ding bulukin sa ku­lungan.

Hindi na mabilang ang buhay na winasak ng salot na droga, Dumarami ang mga buktot na kriminal dahil sa droga at marami pang kabataan ang mapapaha­mak kung hindi masasa­wata. At talaga namang nakakakulo ng dugo na ma­laman na sa ganyang karu­maldumal na operasyon ng mga sindikato, mayroon pang mga pulis na sa halip maging tagapagtanggol ng bayanay nakasawsaw pa sa operasyon ng mga drug traders.


Show comments