^

PSN Opinyon

'Wanted: Liezl Malate'

- Tony Calvento -

INILABAS NA ANG WARRANT OF ARREST para sa lotto operator na makati ang palad na tumangay ng libu-libong piso na si Liezl Malate y Redubla.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Sonia T. Yu-Casano ng Branch 31 ng Regional Trial Court ng San Pedro, Laguna para sa kasong ESTAFA at inaatasan ang mga alagad ng batas na arestuhin ang estapadorang lotto operator na ito.

May pabuya na nag-aantay para sa sinumang may im­pormasyon na maituturo siya para sa agaran niyang pagdakip.

Si LIEZL na ipinanganak at lumaki sa Sitio Cuta, Bu­rauen, Leyte, ay nagnakaw ng mahigit sa ISANG DAANG LIBONG PISO (100,000 php) mula sa sales ng lotto outlet na pina­ma­mahalaan niya sa Brgy San Vicente, San Pedro, Laguna.

Siya ay anak nila Luisito at Myrna Malate, taga Tanauan, Ba­tangas, at sigurado kong ipinagmamalaki nila na meron si­lang anak na magnanakaw na katulad mo dahil ayon sa mga reports na natanggap namin kinukunsinte nitong mag-asawang ito ang lahat ng katarantaduhan nitong si Liezl.

Matatandaan na ayon sa imbestigasyon ni Kapitan Norvic Solidum, isinusustento ni Liezl sa kanyang ka live-in na si Benjie Albor (isang dating nagtatrabaho sa Andok’s Litson).

Magaling din ang modus nitong si Liezl. Araw-araw ni­yang kinukupitan ang koleksyon sa EZ2 Lotto Outlet at hindi ipinapadala sa Phillipine Charity Sweepstakes Office sa pamamagitan ng pagdeposito ng pera sa Philippine National Bank.

Magaling din ang magnanakaw na ito dahil tugma ang pera at deposit slip na ibinibigay niya sa PNB subalit short ang “accounting ng gross sales” sa araw-araw.

Lingguhan kasi kung magbalanse ng report ang mga lotto agents at isinusumite sa District Office ng PCSO, na pina­mu­munuan ni Ms Lady Elaine Reyes-Gatdula, kaya’t nagka­roon ng pagkakataon na magnakaw ito ng sales mula Lunes hanggang Linggo. Magaling mag-isip sa kawalang-hiyaan nga lamang.

Pagdating ng Lunes ng magpunta ang in-charge sa mga lotto outlets sa PNB na si Aileen Abraham dun na nabisto ang krimen na pagnanakaw na ginawa nitong si Liezl.

Hindi na pumasok (siempre) itong si Liezl dahil bistado na ang kanyang pagnanakaw. Sila dun nung si Benjie. Alas kwatro daw ng madaling araw nag-alsa balutan. Agad naman pinapuntahan ni Kap. Solidum ang kanyang tinitirhan at wala na at nilisan ang lugar. Nag-iwan pa ang mga ito ng katakut-takot na mga utang sa mga kapitbahay.

Nung July 25, 2008 itong si Benjie ay hinuli ng mga tanod dahil sa reklamo ng pang momolestiya at panggugulo sa isang gotohan sa San Vicente. Armado ng isang balisong at screw driver, lasing itong naghahamon dahil ayaw siyang pansinin ng isang magandang 17 anyos na babae..

Lumapit sa akin si Liezl na umiiyak. Kapatid daw niya ay hinuli. Lumabas na hindi pala niya kapatid si Benjie (Albor). Ka live-in niya ito. .

Kung hindi ba makapal ang mukha n’yan, na nagtext pa galing sa kanyang mobile number 09283809467 sinasabing pinantakip lang daw niya ang pera sa mga kulang sa ibang lotto outlets at sinisisi ang iba niyang mga kasamahan. Mali daw ang pamamalakad.

Iba-iba ang mga impormasyon na natatanggap naming tungkol sa kinaroroonan nitong si Liezl. Merong nagtetext na sinasabi na sa Olongapo nagtatrabaho ngayon ang taong ito. Meron naman sa Batangas at Cavite.

Hindi naman maaring magtago ang taong ito ng habambuhay.

Pati NBI clearance hindi na ito makakakuha at inalertuhan na ang mga operatiba ng NBI na kapag sinubukan nitong kumuha aarestuhin agad ito.

ESTAFA ang kaso laban kay Liezl Redubla Malate. Pinag-aaralan na rin ng mga prosecutors na sampahan ang kanyang ka live-in na si Benjamin “Benjie” Albor dahil ito daw umano ang nag-udyok kay Liezl para magnakaw. Pareho silang na­kinabang sa pera.

ANG TIWALA AY HINDI basta na lamang ibinibigay sa isang tao.Madalas natin madinig ang mga pangaral na “masira ka na sa maraming bagay huwag lamang sa pera!

Kapag pera ang pinag-uusapan d’yan mo mapapatunayan ang tunay na pagkatao ng isang tao. D’yan mo rin malalaman kung anong uri ng pagpapalaki ang ginawa ng mga magulang mo sa iyo. Higit sa lahat d’yan mo din malalaman kung dapat siyang pagkatiwalaan!

Si Liezl ay nasa edad na 25-28 years old. Five feet one inches tall. Mataba, maitim at bilugan ang mukha. Mag-ingat kayo sa taong ito dahil baka kayo na ang susunod na bibik­timahin nito.

NARITO ANG KANYANG LITRATO upang madali ninyo siyang makilala. Anumang impormasyon sa kinaroroonan nitong si Liezl Redubla Malate at Benjamin “Benjie” Albor, maari ninyong itawag sa 6387285 o mag-text sa 09213263166, 09198972854. Maari ninyong hanapin si Den Viana o si Dianne Ambos

 Maari din ninyong ipadala sa pamamagitan ng liham sa aming address, 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

ANG “CALVENTO FILES” at ang programa naming “Hus­tis­ya para sa Lahat” ay na­nga­nga­ilangan ng mga lady staffers. Kaila­ngan graduate ng Mass Com­munication, walang asawa, ma­runong mag­sulat sa Tagalog at Ingles at higit sa lahat may magan­dang boses para makapag­broadcast sa radio.

Ang mga “interested parties” ay maari lamang dalhin ang inyong mga bio-data sa aming tanggapan na na­kasulat sa itaas.Ang aming tangga­pang ay bukas Lunes hanggang Biyernes, alas nuwebe hanggang alas sais ng gabi.

Email: [email protected]

ALBOR

BENJIE

LIEZL

LIEZL REDUBLA MALATE

MAGALING

SAN PEDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with