^

PSN Opinyon

Kaso ni Lozada: 16; ng dinawit niya: 0

SAPOL - Jarius Bondoc -

GINUGULO ng Arroyo officials ang isyu ng pagkulong kay NBN-ZTE scam whistleblower Jun Lozada. Kesyo, ani Justice Sec. Raul Gonzalez, wala kunong pakialam ang admin sa pag-aresto kay Lozada sa kasong perjury dahil si datihang presidential chief of staff Mike Defensor ang naghabla. At kesyo, dagdag ni Malacañang spokesman Anthony Golez, ipinapatupad lang ng pulisya ang arrest warrant ng independent court.

Kasing-bulaan ni Defensor ang dalawa. Papanong hindi ituturing na panggigipit ng Arroyo admin ang habla, e opisyal si Defensor nito bilang chairman ng Philippine National Railways at special presidential adviser? At papanong ikakatuwirang sumusunod lang sila sa korte, e sa mas malaking isyu ay sinusuway ng Malacañang ang korte? Pinigilan ni Executive Sec. ang DILG na ipa­tupad ang utos ng Sandiganbayan na suspindihin nang tatlong buwan ang mayor ng Rodriguez, Rizal, habang nililitis sa graft.

Ito ang buod ng isyu kay Lozada: Mula nang ibunyag niya ang overpricing sa NBN-ZTE deal, 16 na kaso na ang isinampa laban sa kanya at sa asawa. Pero ni isa man sa mga isinangkot niya sa katiwalian — sina Gloria Arroyo, Mike Arroyo, Romy Neri, Leandro Mendoza, Peter Favila, Benjamin Abalos — ay walang sakdal hanggang ngayon. Miski ang mga nanuhol at gumipit sa kanya para magbu­laan sa Senado — sina Defensor, Lito Atienza, Manuel Gaite — ay walang habla. Bukod nga sa kasong perjury ni Defensor kay Lozada, ang asawang si Violet pa ang sinakdal ni Col. Paul Mascariñas ng perjury din. Maaa­lalang si Mascariñas ang pulis na dumampot kay Loza-da sa airport at “ipinasyal” sa South Expressway.

Ani Defensor nais lang niya linisin ang pangalan alang-alang sa mga anak kaya niya dine­manda si Lozada ng pagbubulaan. Hay’un, inungkat tuloy ni Rep. Teddy Casiño ang mga di-kapani-paniwalang pinagsasabi ni Defensor noon: Ang pag­sagip niya    kuno kay Senate witness Udong Mahu- say sa Tagaytay, at ang ipri­nesenta ni-yang pekeng audio expert na nagsabing hindi si Gloria Arroyo ang nasa Hello   Garci tape.

At huwag kalimutan ang ilegal na pag­­­pirma niya sa ZTE-Diwalwal deal ng July 2006.

ANI DEFENSOR

ANTHONY GOLEZ

BENJAMIN ABALOS

DEFENSOR

EXECUTIVE SEC

GLORIA ARROYO

JUN LOZADA

JUSTICE SEC

LOZADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with