(Huling Bahagi)
WALA raw kapangyarihan ang korte sa kanila dahil hindi naman isinama sa kaso sina Bob at Dely. Ibinasura ng CA ang kaso at naging pinal ang desisyon noong Hulyo 14, 1991.
Noong Agosto 2, 1991, nagsampa ng kaso sa ibang korte (RTC 3) sina Dely at Bob pati na rin si Sonia para mabalik sa kanila ang lupa at upang malinawan kung sino talaga ang may karapatan dito. Humihingi rin sila ng danyos dahil naapektuhan daw ng desisyon ng naunang korte na humawak sa kaso ang titulo at karapatan nila sa lupa.
Noong Agosto 27, 1991, sumama si Dely sa pagkakasong ginawa nina Bob at Sonia sa CA upang maipawalang-bisa ang desisyon ng korte (RTC 29) dahil hindi daw sila isinama bilang mahalagang partido sa kaso o ang tinatawag natin sa ingles na “indispensible parties”. Binasura muli ng CA ang kanilang petisyon at pag-akyat nito sa Korte Suprema ay ganun din ang nangyari.
Samantala, noong Agosto 29, 1994, sa desisyon ng korte (RTC 3) sa kaso, binasura rin ang reklamo nina Bob, Dely at Sonia. Hindi na raw nito maaaring baguhin o paki alaman pa ang naunang desisyon ng kapwa korte (RTC 29). Ito ang doktrina ng “res judicata” kung saan hindi na maaaring baguhin ang isang pinal na desisyon. Nang iapela sa CA, binaliktad ng CA ang desisyon. Hindi raw maaaring gamitin ito laban kay Dely na bagaman isa sa may-ari ng lupa ay hindi naman isinama sa asunto. Tama ba ang CA?
MALI. Pinipilit nina Bob, Sonia at Dely na walang bisa ang desisyon ng korte (RTC 29) sa parte nina Bob at Dely dahil hindi sila isinama sa kaso. Nguni’t ang mga argumentong ito ay ilang ulit na rin na pinag-aralan at ibinasura sa unang dalawang desisyon ng CA. Umiiral sa kasong ito ang pangalawang aspeto ng res judicata na tinatawag na “conclusiveness of judgment”. Ayon dito, ang mga pangyayaring naganap na at mga isyu na naresolba na sa isang naunang kaso ay hindi na maaaring gamitin sa mga sumusunod na kaso ng parehong panig, Kahit na ang panibagong kaso ay may ibang sanhi ng reklamo.
Inuulit lamang nina Bob at Dely ang mga isyung kung tutuusin ay dalawang beses na ibinasura ng CA. (PNB vs. Sia and Ngo, G.R. 165836).