Jueteng operation sa Batangas bukas na!

ISANG active member ng Philippine National Police at sinasabing Senior Supt. pa daw ang pasimuno ng dayaan bolahan sa Batangas.

Sabi nga, jueteng!

Totoo kaya ito?

Mukhang hindi ito natiktikan ni PNP Region 4 director Palad. Ano ang masasabi mo dito talbog?

Sinabi ng source, ang nabanggit na koronel ay da­ting ng nagpasugal sa probinsiya ni Batangas Governor Vilma Santos Recto.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasibak si koronel ng magbago ang bossing sa Region.

Ano kaya ang masasabi ng gobernadora dito?

Mukhang dehins alam ito ni Archbishop Arguelles dahil kung makakarating sa kanya ang balitang ito tiyak sagrado este mali sarado ang pa-jueteng ni Colonel.

Sabi nga, lagot!

Sa San Juan, Batangas, isang Salud at ang burungoy kupitan na si Nelson ang nagpalarga ng jueteng sa bendisyon daw ni koronel.

Naku ha!

Sa 1st district ng probinsiya ay isang alyas Miyo ang nagpapalaro ng dayaan bolahan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kausap ng jueteng operator ang isang alyas ‘puti’ sa Batangas kaya namayagpag ngayon ang operasyon nito sa teritoryo ni Governor Recto.

Bukod sa mga gambling lord na ito ay sinasabing kasosyo rin daw ang jueteng lord ng Pangasinan na may pangalan Boy bata.

Ang grupo ng mga kamote ay kilalang - kilala ng mga bugok na mga opisyal ng Local Government sa Philippines my Philippines dahil may padulas na nakalaan para sa kanila kaya ayaw mag-imikan ang mga hantik este mali lintik pala.

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matigas ang grupo nina koronel, ka Miyo, Boy bata, burungoy kawatan Nelson at Salud.

Abangan.

Eng. Renz ang jueteng lord sa kyusi

MABIGAT ang isang Eng. Renz sa kyusi dahil dala niya ang pangalan ng National Bureau of Investigation todits.

Paging NBI Director Nestor Mantaring, may sumisira sa pangalan ninyo sa kyusi.

Tinitiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na mabasa ni Nestor ang sinasabi natin siguradong may paglalagyan si Eng. Renz.

Pinayagan daw ito ng mga tulisan este mali mga bugok na lespiak sa kyusi dahil dala ng bagong jueteng lord ang pangalan ng NBI.

Sabi nga, pinanakot.

Batang sarado daw ng NBI si Renz kaya malakas ang loob ng gasgasin ang pangalan ng nasabing ahensiya.

Show comments