^

PSN Opinyon

Muling pagkabuhay sa Brgy. Bolitok, Sta. Cruz, Zambales!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KASABAY ng pagpupugay ng mga Kristiyano’t Katoliko sa katatapos lamang na Easter Sunday, ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo, isang magan­ dang balita naman ang natanggap ng BITAG.

Isang sulat mula sa Kapitan at residente ng Brgy. Boli­tok, Sta. Cruz, Zambales. Sulat ng pagpapasalamat dahil sa magandang progreso ng kanilang ipinaglalabang kaso sa kanilang lugar.

Kung matatandaan ang kontrobersiyal na bundok sa Sta. Cruz Zambales na walang kaabug-abog na piñata ng kumpanya ng minahan na DMCI.

Ayon kay Kapitan Nilo ng Brgy. Bolitok, nagsagawa na raw ng sunud-sunod na inspeksiyon at imbestigasyon ang Department of Environment and Natural Resources Region 3.

Ito ay sa pangunguna ng bagong upong Regional Director na si Antonio Principe na nakapanayam ng BITAG nitong nagdaang buwan sa aking programang  BITAG Live.

Dahil dito, nagpapasalamat ang buong Brgy. Bolitok, Sta. Cruz, Zambales sa nakita nilang progreso matapos naming panghimasukan ang reklamong ito.

Ibinabalik naman ng BITAG ang pasasalamat sa tang­gapan ng DENR Region III, partikular kay RED Prin­cipe dahil sa pagtupad nito sa ipinangako niya sa  BITAG na magsasagawa ng ocular inspection at investigation sa lalong madaling panahon.

Nauunawaan marahil ng DENR III na buhay at kapa-ka­nan ng mga taumbayan ang nakasalalay sa pagtibag ng bundok dahil malalagay sa peligro ang mga residenteng ito.

Bagay na hindi nauuna­waan ng nagdaang Regional Executive Director na nakipagtalo pa sa BITAG at nangakong ipapakita umano ang siyertipikong pumasa ito sa mga requirements ng Environmental Management Bureau.

Na ang nakakatawa, hanggang maalis siya sa DENR 3 at malipat sa ibang lokasyon, hindi pa nito na­ipa­kita sa BITAG.

Senyales na nga ba ito ng tuluy-tuloy at pagka-wala na ng kalbaryo ng mga taga-Brgy. Bolitok? Iisa lang ang masasabi rito ng BI­TAG, hindi pa kami tapos dahil kailangang may ma­na­got pa sa reklamong ito.

Patuloy kaming naka­tutok sa kasong ito.

ANTONIO PRINCIPE

BITAG

BOLITOK

BRGY

CRUZ

CRUZ ZAMBALES

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES REGION

EASTER SUNDAY

ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with