BIYERNES APRIL 3, 2009, habang ako ay nasa WYNN’S OTB sa Pioneer St., kasama ko ang veteran horse race caller/host na si Ira Herrera at ang may ari ng OTB na si Rodolfo “Boc” Sanguyo, kasama niya sina Claire Rubia, Atty. Rey Casenas, Bert Limpo, Boy Samodio at marami pang iba.
Maraming tao sa Wynn’s OTB dahil na rin sa bukod sa maganda ang lugar at disente, magaling ang service at mahusay ang palakad.
Matatapos na ang karera nung gabing yun ng magulat kaming lahat sa mga sumunod na pangyayari.
Si Jonathan “JB” Hernandez nakasakay sa mega-outstanding favorite na kabayong BLUE OCEAN, bago dumating ng finish-line (meta) tumayo at hinatak ang renda ng kabayo niya. Parang pinigil si kabayo.
Sa isang photo-finish naungusan si Blue Ocean ni Boot Legs. Natalo ang kabayo ni Hermie Esguerra.
Ang Board of Stewards ng Sta. Ana Saddle and Sports club sa Naic, Cavite ay naglabas nung Sabado ng suspension announcement sa primyadong hinete na naging “Jockey of the Year 2008” na si JB Hernandez.
“ISANG TAONG SUSPENSION for deliberately losing the race!”
Iba-iba ang naging reaksyon ng mga horse fanatics. Heto basahin ninyo mula sa number one horse racing group ang Pinoy Horse Fanatics sa pamumuno ni Dennis Gonzales.
“In less than 6 months 3 suspensions have been handed down on Mr JB Hernandez, Macedonian, Last Hazm, and now Blue Ocean. Will we be expecting more from him in the near future after he serves his suspension? Mr JB Hernandez is “Jockey of the Year 2008” an honor that is given for his achivements but now is shamed by his poor performances and his lack of interest in winning races. Our Board of Stewards are doing there best to give us good racing and here is a jockey making a mockery of it.
Lately Mr. JB Hernandez has become a “Doubtful Rider” uncertain whether he is out to win or lose a race. There is no doubt in my mind and to the majority that he is on outstanding jockey but he should not be above the “Racing Law” specially when the public’s money and the racing industry is involve. As Sen. Mar Roxas would say “Tama na Lalaban Tayo. The racing public and the racing industry should be protected at all times from this kind of riders that have no business if there interest is for themselves or others that might be behind them. The time has come to make changes and I for one would like to see this change specially on his suspension of 1 year to “Banned for Life.”(galing kay GASPAR)…..
Sa akin po, isa po ito sa dahilan ng paghina ng benta o sales ng karera. Kahit sino naman po ay ayaw ng yarian sa karera. Masususpinde nga si hinete pero ilang linggo lang sasakay ulit. Palalamigin lang ang issue. Tapos may sakay na ulit. Sana maging consistent ang Doard of Stewards at Philracom sa mga ruling nila sa mga suspensions. Transparency ;an gang hinihingi ng bayang karerista. It is all up to the governing bodies of the racing industry to try and fix the problemso it could be remedied (galing kay HOWARD)….
Ang opinion ko sa isyu kay JB Hernandez ay kung talagang pinatalo nya deliberately si blue ocean at ito ang nakita ng board of stewards kaya pinatawan ng 1 year suspension. Dapat ipatupad talaga ang suspension. He is a good jockey, ang galing magdala, pero magaling din mang perder. which is very common sa iba pang hinete. Kadalasan, ang bayang karerista naniniwala sa parada at info na may order kay hinete kung labas o laban at ito ay ating tinatandaan at sinusundan. pero kung patalo, hindi natin kinukuha. i remember that race, may mga info na kagad bago tumakbo si blue ocean na talo at si bootlegs ang kalaban kasi labas. So that means, prior sa takbuhan, may nakakaalam na na talo si blue ocean. kung si hinete lang ang paparusahan hindi ba parang kulang sa justice? parang makakaiwas ang mastermind at yung gumawa lang ang napaparusahan.
My plea is simple, hindi dapat limited ang observation ng board of stewards sa mga hinete na sadyang nagpapatalo, dapat may further investigation din sila kung si hinete lang ba ang nagpatalo o may order? para lahat ng involve sa panloloko ay maparusahan.
BOARD OF STEWARDS - sana panindigan nyo ang inyong desisyon at palawakin pa ang investigation para mapigilan ang mga manloloko sa industriya PHILRACOM - patuloy na suporta sa mga tinatawag na police ng karera para magkaroon sila ng lakas ng loob na panindigan at patunayan ang kanilang sinumpaang trabaho HORSE OWNERS - suporta sa mga taong naggagabay para sa isang maganda at mabuting karera. BAYANG KARERISTA - magkaisa para labanan ang mga tiwaling kalakaran sa industriya ng karera. Ipaalam kung may mga taong ganito ang ugali, magsama sama sa isang adhikain na magkaroon ng isang maganda at maayos na karera at dapat ang penalty sa mga ganitong pangyayari ay katayin ang kabayo para madala ang mga manloloko hindi lang suspension sa hinete. KAKAASAR NA! (galing kay RICKYG.)
Minabuti kong kausapin si Chairman Joy Roxas ng Philippine Racing Commission dahil nakita ko nung Lunes nakasakay na naman itong “controversial” (notorious ba?) na hineteng ito.
Ipinaliwanag niya na nagbolahan na nung Biyernes at dahil ang suspension ni Hernandez ay inanounce nung Sabado lamang, sasakay na lang siya hanggang ngayon araw na ito at uumpisahan na niya ang kanyang suspension.
“It will be difficult for JB to ask for reconsideration because very clear ang video at tama ang decision ng Board of Stewards on what had happened. Rest assured that under my watch, when he renews his license next year mahihirapan siya! I am now proposing that aside from a suspension that FINES for errant jockeys be imposed and even horse owners so that we will have cleaner races in the future,” pahayag ni Chairman- Roxas.
Tinanong ko rin ng deretsuhahan kapag may namadrino gaya ng anak ng Presidente, si Cong. Mikey Arroyo o sinumang pilato baka naman bumigay sila at i-lift ang suspension gaya ng pangamba ng bayang karerista.
“I assure them that there is nothing to worry. Hindi makiki-alam si Mikey kasi gusto naman din niya na maayos ang racing industry,” ayon kay Roxas.
Nagbigay din ng kanyang komento ang President ng MARHO na si Mayor Benhur Abalos.
“Let justice take its course. Kung sino ang nagkamali dapat bigyan ng parusa. Walang special treatment. Ako lang hinala pa lang hindi ko na pinasasakay ang hinete sa kabayo ko.
Labanan din natin ang mga ‘bookies sa karera.’ Sila ang salot sa industrya. Hanggang ngayon nag-hehearing pa kami sa Caloocan ng mga bookies na pina-raid ko at kinasuhan,” ayon kay Benhur.
Si Hermie Esguerra may-ari ng Blue Ocean ay respetado tao sa industriya. Sana huwag siyang magpagamit at lumabot ang puso. Kung totoo ang mga nadidinig ko tungkol sa kanya na hindi siya pumapayag sa mga “yarian sa karera,” huwag na niyang pasakayin o palapitan man lang sa kanyang mga “champion horses” itong si si Jonathan JB Hernandez!
ABANGAN ang mga iba pang developments.
PARA sa comments o reactions maari kayong tumawag sa 6397285 o magtext sa 09213263166, 09198972854. Maari din ninyong ipadala ang inyong liham sa 5th Floor CityState Center Bldg., Shaw Blvs., Pasig City.