^

PSN Opinyon

The Second Gentleman

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

MARAMI ang nag-welcome sa pagpasok nina Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. at Pampanga Governor Ed Panlilio sa presidential derby. Malinis ang rekord, matatalino at kagalang-galang na mga lalaki – anumang eleksyon ay madadagdagan ang kredibilidad sa pagsali ng ganitong mataas na klaseng kandidato.

Exciting din ang magiging kuwento ng vice presidential campaign. Di tulad ng Amerika kung saan block voting ang president at VP, sa atin ay posibleng mamili ng bise na kontra partido ng presidente. Parang si Erap kay FVR, at si GMA kay Erap.

Si Sen. Kiko pa lang ang umamin ng interes sa pagka-VP. Si Sen. Bong, nagpapakipot pa. Kung tutuusin ay hindi naman tayo kukulangin sa VP wannabes dahil kalahati, for sure, ng hindi matutuloy ang kandidatura sa pagka-presidente ay maghahabol ng puwesto ng bise presidente.

Ang posisyon ng VP ay isang malungkot na puwesto. Karaniwa’y pinipili lang na isama sa ticket ang kandidato para sa dagdag na botong bitbit nito dala ng pagiging national celebrity o kapamilya ng malalakas na angkan sa mga vote-rich na lalawigan. Bagamat bukas ang isip ng botante na heto ang posibleng humalili sakaling may mangyari sa presidente, kaya nga “spare tire”, hindi pa rin kuwalipikasyon ang konsiderasyon sa pagpili ng Second Gentleman. Nakalulungkot dahil pag-upo nito saka­ling humalili, meron pa ring resistance na umiiral dahil ang hirit ng tao ay: Hindi naman ikaw ang binoto kong maging presidente, bakit kita kikilalanin? Malungkot.

Sa mahabang talaan ng possible presidential candidates, maganda kung i-rank na natin sila ng top 1 and top 2 upang maging pamilyar sa kanilang mga plano. Ang hindi mapagpalang gawing 1 o presidente, isaisip na natin bilang No. 2 o bise. Magulo pa man ang utak ng botante, at least mapaghandaan na ang proseso at makapamili na habang maaga. 

Tulad ng karera sa pagka-presidente, ang VP race ay mabibiyayaan din ng pag­pasok ng mga mataas na uri ng kandidato. The more the choices, the better for democracy.

Happy Birthday sa aking ama, Senate President and Ambassador to Washing-ton Ernesto M. Maceda!

vuukle comment

AMERIKA

DEFENSE SECRETARY GILBERTO C

ERAP

ERNESTO M

HAPPY BIRTHDAY

PAMPANGA GOVERNOR ED PANLILIO

PRESIDENTE

SECOND GENTLEMAN

SENATE PRESIDENT AND AMBASSADOR

SI SEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with