^

PSN Opinyon

Kapit sa Lotto

DURIAN SHAKE -

LUMALABAS na talagang kumakapit ang Pinoy sa kung anong game of chance o sugal, lalo na sa Super Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) baka sakaling magbago nga ang takbo ng kanilang buhay at sila ay maiahon sa financial crisis na laganap sa buong mundo.

Kahit na nga na napakaliit ng chance na manalo ng jackpot, sugod pa rin ang Pinoy at pumipila sa 3,241 lotto outlets sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na pag Super Lotto ang draw na minsan ay umaabot na nga ng mahigit P300 million ang jackpot prize.

Minsan nga napakadesperado na ng Pinoy na wala ngang pambili ng bigas at ulam ngunit may pang-taya ito ng lotto o kahit anong illegal na sugal sa kanilang barangay. Kahit kuma­ka­lam ang tiyan ng mga anak at pamilya niya, basta tataya ang Pinoy sa lotto.

Ngunit hindi lang naman mga mahihirap ang tumataya ng lotto. Maging mga mayayaman at iyong mga may kaya sa buhay ay pumipila na rin sa mga lotto outlets.

At noong Huwebes ng gabi, nadagdagan na naman ang bilang ng mga taong naging milyonaryo ng dahil sa lotto. May tinatayang higit 1,300 katao na ang naging milyonaryo simula nang inum­pisahan ang lotto noong 1995.

Kung sinu-sino itong mga milyonaryong ito, talagang kaunti lang ang nakakaalam dahil nga top secret ang kanilang identity. Talagang policy ng PCSO ang confidentiality ng mga pangalan ng mga nanalo ng lotto jackpot.

May isang vault nga raw sa PCSO na talagang sarado at ang nilalaman ay ang mga pangalan ng mga nanalo ng jackpot. At sa bawat pangalan na nandoon sa loob ng vault, may kanya-kanyang kuwento naman sila sa buhay.

At habang bagsak nga ang ekonomiya ng bansa, ru­matsada naman ang revenues ng lotto na umabot nga ng P23.5 billion noong nakaraang taon, ang pinaka­ma­taas sa history ng PCSO.

Ayon kay Dr. Larry Cedro, spokesman ng PCSO, inaasahan nilang aakyat pa rin ang sales nila sa lotto dahil nga din na nagtitiwala pa rin ang Pinoy sa PCSO at kung paano nito pina­ta­takbo ang lotto.

Si Dr. Cedro nga mismo ay tumataya rin araw-araw sa lotto outlet sa main office ng PCSO sa pangarap nga na manalo din siya. Iba pa yong tinataya niya sa suki niyang lotto outlet sa bayan nila sa Bulacan.

At bago matapos ang pagkasalukuyang taon, ayon kay Dr. Cedro, maipasatupad ng PCSO ang expansion project nito na madagdagan ng 10 percent ang existing 1,552 lotto outlets sa Visayas at dito sa Mindanao.

Sana naman ang paglaganap ng lotto outlets sa mas ma­rami pang bahagi ng Visayas at Mindanao ay sabayan ito ng paging mas masipag at mas matiyaga ng Pinoy.

Hindi pupuwedeng ang kapalaran natin sa buhay naka­salalay lang sa lotto. Kailangan din nating magsikap.

DR. CEDRO

DR. LARRY CEDRO

KAHIT

LOTTO

PCSO

PINOY

SHY

SUPER LOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with