KUNG kriminal ang pamunuan nating mga Pilipino, hindi tayo nag-iisa. Magnanakaw at mamamatay-tao din ang pamunuan ng kapit-bansang Malaysia. Sangkot si Deputy Prime Minister Najib Razak sa 114-milyong-euro kickback at sa pagpapatahimik sa Mongolian model na nakikiparte. Ito ang ulat ni Arnaud Dubus ng pahayagang Pranses na Liberation:
Nu’ng 2002 umorder ang Malaysia ng tatlong French submarines sa Armaris, kumpanyang Kastila-Pranses. Si Razak ang pumirma bilang defense minister. Adviser niya si Abdul Razak Baginda, asawa ng may-ari ng kumpanyang Perimekar. Pinangakuan ng Armaris ang Perimekar ng “kumisyong” 114 milyon euro kapag nag-down payment na ang Malaysia.
Nakilala ni Baginda sa Hong Kong ang magandang Mongolian na Altantuya Shaaribuu nu’ng 2004. Naging magkasintahan sila. Marso 2005 pumasyal sila sa Uropa. Tinagpo sila sa Paris ni Razak. May retrato ang tatlo, ani Mae, best friend ni Altantuya. Tinanong niya kung magkapatid ang dalawang lalaki dahil parehong Razak, at sabi raw ni “Tuya” na hindi, pero boyfriend niya ang isa. Ayon sa isang private detective na nagtatago ngayon sa India, ibinalato ni Baginda si Tuya sa amo niyang si Razak.
Oktubre 2006, nabalitaan ni Tuya na kumubra na ng tong-pats ang Perimekar. Lumipad siya sa Kuala Lumpur para humingi ng parte. Maya’t maya niya tinawagan at sinugod sa bahay si Baginda. Matigas ang bilin ng nag-seselos na asawa ni Baginda na huwag partehan si Tuya.
Isang araw nagwawala sa labas ng bahay si Tuya, kaya tumawag si Baginda ng tauhan ni Razak sa state security. Dinampot siya ng dalawang ahente, binaril, at sinunog ang bangkay. Kinasuhan si Baginda at ang mga ahente.
Nu’ng Enero inab suwelto ng korte si Baginda, pero papatawan ng sentensiya ang dalawa sa Abril.
Samantala, walang-kalabang tumatakbo si Razak bilang presidente ng mayoryang UMNO party sa Malaysian parliament.
Otomatiko uupo siyang Prime Minister sa kata pusan ng buwan. Pero dahil sa exposé ni Dubus, pinasasakdal siya ng oposisyon sa suhulan at patayan.