^

PSN Opinyon

Matagumpay na Drug Raid sa Subic ng PDEA, PCG, BITAG at Mission X!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ALAS-DIYES ng gabi nitong nagdaang Huwebes, isang tawag ang natanggap ng BITAG mula sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Isang paglusob o raid ang kanilang isasagawa sa isang barangay na pugad ng ipinagbabawal na droga sa Subic.

Ang Barangay Calapacuan umano ang tunguhan at puntahan ng mga gumagamit ng shabu sa Subic. Ito ay ayon sa impormante ng tanggapan ng PDEA.

Naisagawa na ng PDEA ang pagkumpirma sa impor­masyong ito nang isang ahente ng PDEA ang kanilang ipinadala upang maging undercover.

Dala ang surveillance camera, huling-huli ang aktibi­da-des ng mga paroo’t paritong parokyano ng bawal na gamot.

Tatlong bahay ang kumpirmadong lantarang nagbe­benta ng shabu. Bukod rito, “open for all” pa ang kanilang mga tahanan, pagkatapos bumili ay may session room pa sa kanilang bahay para sa mga gustong gumamit agad ng droga.

Walang kiyeme ang gamitan dahil kahit kaharap at nanonood ang mga batang paslit sa paghithit ng usok mula sa shabu at foil na gamit ng mga durugista, tuloy-tuloy lang ang ligaya.

Lahat ng ito ay naidokumento ng surveillance camera sa pamamagitan ng mga PDEA undercover.

Kaya’t sa bisa ng search warrant, ikinasa ng tangga-pan ang isang raid para sa mga target sa Barangay Ca­pacuan, Subic.

Alas-dos y media ng madaling-araw ng simulang     mag-briefing ang mga ahente at opisyales ng PDEA kasa­ma na ang grupo ng Philippine Coast Guard, Mission X at BITAG.

Sa loob ng Law Enforcement Office ng Subic Bay   Me­tropolitan Authority o SBMA, pinag-aralang maigi ang mga pasukan at labasan at iba pang pasikut-sikot sa target na lugar.

Alas-sais ng umaga, pag­putok ng araw, isinagawa ang nasabing paglusob. Naging matensiyon ang nasabing raid dahil sa sikip ng lugar       at dikit-dikit na kabahayan.

Subalit hindi ito naging balakid sa PDEA, PCG, K9, BITAG at Mission X upang hindi maging matagumpay ang nasabing operasyon.

Tinatayang umabot sa    99,000 (street value) ang hala­ga ng mga drogang na­ kalap ng mga operatiba sa nasabing raid. 

ANG BARANGAY CALAPACUAN

BARANGAY CA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

LAW ENFORCEMENT OFFICE

MISSION X

PDEA

SHY

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with