^

PSN Opinyon

'Buhay na malapelikula!'

- Tony Calvento -

(Unang bahagi)

ANG PANONOOD NG PELIKULA para sa mga Pilipino ay isang libangan upang malimutan ang mga problema na dinadala sa buhay.  Mala-pelikula ang tampok na kaso ngayon.

Isang drama na hindi mo aakalain na maaring mangyari sa totoong buhay dahil sa mga tagpong aakalain mo sa puting tabing lang maaring mangyari. 

March 2, 2009 ng unang magpunta sa aming tanggapan si Platon ‘Tony’ Madrid 51 taong gulang upang idulog ang kaso na kinasangkutan lang umano ng kanyang dalawang pamangkin na sila Hermogenes Gagan at PO1 Alfie B. Madrid.

October 3, 2008 bandang alas otso ng gabi ng pumunta si Hermogenes galing sa bahay ng kanyang kapatid na si Catalina Cho sa Las Piñas papunta sa bahay ng kanyang tito na si Tony sa Dasmarinas, Cavite upang dumalaw sa mga kamag-anak na galing sa Romblon.

Bago ito dumeretso sa Dasmariñas ay sinundo muna umano nito ang kanyang kababayan na si Nido Magcalayo sa bandang Las Pinas gamit ang Daihatsu Mini Van ni Hermogenes.

Nung nasa Molino II, Bacoor, Cavite na sila ay may nabunggo pam­pasaherong jeep dahil umano sa biglaang paghinto nito sa maling lugar.

Tumawag si Hermogenes sa kanyang pinsan na si PO1 Madrid na nakatira sa bahay ng kanilang Tito Tony at sinabi ang nangyaring banggaan.

Si PO1 Madrid ay 26 taong gulang, taong 2006 unang naging pulis at nakadestino sa Regional Special Action Unit ng NCRPO sa Bicutan.

Agad na kumilos si PO1 Madrid at isinama niya si Luis Gagan (kapatid ni Hermogenes) para puntahan ang kanyang pinsan. Kinailangan pa nilang maghanap dahil hindi sinabi ni Hermogenes kung nasaan siya nung mga oras na yun hanggang makita nila itong nakakulong sa Presinto 5.

Pagdating ni PO1 Madrid sa nasabing presinto ay nakita niyang hawak ng isang pulis ang I.D. niya na nakuha sa loob ng sasakyan ni Hermogenes.

Ipinaliwanag niyang naiwan niya ang nasabing I.D dahil sa seaman si Hermogenes at sa tuwing nasa labas ito ng bansa siya ang gumagamit ng Daihatsu Mini Van.

Tinanong ng pulis kung pwede bang magpa-’paraffin test’ si PO1 Madrid para malaman kung kasama siya sa insidente.

Agad namang pumayag si PO1 Madrid na sumailalim sa paraffin test dahil hindi naman raw siya talaga kasama sa pangyayari at hindi siya nagpaputok ng baril.

Lumabas sa resulta na ‘negative sa gunpowder nitrates’ sila Hermogenes at PO1 Madrid.

Makalipas ang ilang sandali ay isang babae ang nagturo kay PO1 Madrid na siya raw umano ang bumaril sa kanya at sa kasama nitong pulis na si PInsp. William T. Pelicano.

Dito nalaman ni PO1 Madrid na hindi lang pala basta banggaan ang kinsangkutan ng kanyang pinsan at nung oras ring yun ay inaresto na siya at kinumpiska ang kanyang .9MM na baril at ang kanyang cellphone.

Ayon sa kwento ni Tony na nabunggo ni Hermogenes at ng kasama nitong si Nido ang isang pampasaherong jeep na may sakay na pulis na nakilalang si PInsp. Palicano.

Bumaba ni Pinsp. Pelicano at pumunta sa ‘passenger seat’ at pilit umano nitong binubuksan ang pinto at kinukuha ang lisensya ni Hermogenes na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

Yung pababa na si Hermogenes upang kausapin ang pulis ay narinig na lang niyang may pumutok na baril at pagtingin niya ay kinuha pala umano ni Nido ang baril niya na kalibre 45 na nakalagay sa ‘compartment’ ng kanyang sasakyan at pinagbabaril umano si PInsp. Pelicano.

Nang bumulagta na ang pulis sa kalsada ay tumakbo na umano si Nido dala ang baril ni Hermogenes at naiwan siya sa loob ng sasakyan.

Pinalibutan si Hermogenes ng mga maraming tao kaya hindi na ito nakagalaw.

Dumating ang mga pulis ng Bacoor, Cavite at naabutan naman nila si Hermogenes sa loob ng kanyang sasakyan at agad ring dinala sa presinto.

Maraming nagbigay ng salaysay tungkol sa nangyari at nagkaroon kami ng pagkakataon mabasa ito.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga pasahero ng nasabing jeep na si Grace Alvero na nung matapat sila sa may Jetti Gas Station ay pumara ang pulis at bumaba at ng aktong bababa pa lamang ang dalawang ka­samang babae ay biglang may mabilis na Mini Van na kulay yellow at binangga ang likuran namin na AUV at muntikan ng mahagip ang paa ng babaeng bababa.

Nung makita ng pulis na muntikan na mahagip ng Mini Van ang paa ng kasama niyang babae ay lumapit ang pulis sa sasakyan na bumangga sa aming sasakyan at sinita ang driver.

“Matapos sitahin ng pulis ay nakita ko na biglang bumukas ang pinto ng van at ang lalaki sa loob ng van ay binaril ng sunod-sunod ang pulis. Tumumba ang pulis at nakita kong niyapos siya ng babaeng kasama niya at biglang bumaba ang lalaking namaril at binaril niya ulit ang pulis at pati ang babaeng yumayapos dito ay tinutukan niya sa ulo pero hindi na pumutok ang kanyang baril,” ayon sa salaysay ni Grace.

Matapos mabaril ng lalaki ang pulis ay tumakbo ito na dala ang baril na pistola.

Sabi ni Grace na limang beses niyang narinig ang putok ng baril. Tatlo umano nung nasa loob pa ng van ang lalaki at dalawa ng siya ay bumaba at paputukan niya ang pulis habang yapos ng babae.

“Namumukahan ko ang driver ng Mini Van at ng lalakeng bumaril sa pulis at sa babae lalo na kung makikita ko sila,” pahayag ni Grace. 

Dagdag pa niya na matapos ang pamamaril ay may dumating na mga pulis ng Bacoor, City at hinuli po nila ang driver ng Mini Van at ng isama nila ako sa istasyon ng pulisya ay nakita ko ang isang mamang lalaki at nakilala ko siya na ito ang bumaril sa pulis at sa kasama niyang babae kaya itinuro ko at hinuli na ng mga pulis na nandun.

“Nakasisiguro ako na si PO1 Alfie B. Madrid ang lalaking bumaril dahil malapit lang ako sa lugar kung saan nangyari ang barilan. Mga limang dipa lamang ang layo ko dahil ako ay nasa hulihan ng AUV at nung mga oras na yun ay maliwanag ang ilaw ng van at ng AUV,” mula sa salaysay ni Grace.

Mula naman sa salaysay ni Babylyn Aporbo na kasama at kaibigan ng namatay na si PInsp. Pelicano na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang kanyang kaibigan makaraan na kanyang sitahin ang isang Daihatsu Mini Van na merong plakang GRE 189 na minamaneho ng isang Hermogenes Gagam makaraan na bundulin ang aming sinasakyan na pampasaherong jeep.

Nagalit ang driver makaraan lapitan ito ng aking kaibigan at duon ay nagkaroon ng isang pagtatalo ang driver at si PInsp. Pelicano.

Maya-maya ay napansin ni PInsp. Pelicano na meron pa lang baril ang driver hanggang sa lumabas buhat sa kanang pintuan ng mini van itong si PO1 Madrid at hawak ang isang pistolang baril at dun ay pinagbababaril ng hindi mabilang na beses si PInsp. Pelicano hanggang ito ay bumagsak sa kalsada habang duguan ang kanyang katawan.

“Aking narinig na makaraan na bumaba itong si PO1 Madrid na sumigaw itong driver na si Hermogenes Gagam ng katagang ‘Sige barilin mo na!’,”ayon kay Babylyn.

Dagdag pa ni Babylyn na isang dipa lang ang layo niya buhat sa kanyang kaibigan. 

Ayon pa rin salaysay ni Babylyn na agad niyang sinalo ang kanyang kaibigan makaraan na siya ay pagbabarilin ngunit laking gulat ni Babylyn ng pati siya ay barilin ni PO1 Madrid buti na lamang at naubusan ito ng bala kaya agad siya nagsusumigaw at humingi ng tulong sa mga tao kaya agad namang tumakas itong si PO1 Madrid. Nagkaroon din kami ng pagkakataon na mabasa ang mga kontrasalaysay nila Hermogenes Gagan at PO1 Alfie Madrid.

ABANGAN sa Lunes ang mga nilalaman ng kontrasalaysay nila Hermogenes at PO1 Madrid, eksclusibo dito lamang sa “CALVENTO FILES sa PSNGAYON.” (Kinalap ni Jona Fong)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.                

Email: [email protected]

HERMOGENES

KANYANG

MADRID

PELICANO

PO1

PULIS

SIYA

VAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with