MAY kumakalat na “balita” sa text na magre-resign daw si Chief Justice Reynato Puno para sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo sa 2010, at ang mga matitira sa Korte Suprema ay pulos pro-Presidente Arroyo. Despuwes, malaya nang maisusulong ang charter change (cha-cha) na magbubukas ng pintuan sa Pangulo para palawigin ang termino.
Sabi naman ng Malacañang — Tama na ang espekulasyon sa “term extension.” Iyan ang panawagan ni Press Secretary Cerge Remonde. Tiniyak daw ng mga leader ng Kongreso na matutuloy ang general elections sa May 2010.
So lay low muna sa mga espekulasyon sa term extension. But people mustn’t lose guard against possible political maneuvering that may reverse the situation. Sabi nga sa Mateo 10:16 ng Bibliya: Be gentle as a dove but wise as a serpent. Vigilance must always be observed. Let us not treat the issue like an existing turn-key plan ready to be switched on, lest we turn people into “ferocious animals” instead of “gentle doves.”
Legally, political lame duck na si President Arroyo. She is good until the end of her term. But any attempt to pursue a dreaded agenda like cha-cha will be self-destructive. Mag-aalsa ang taumbayan. In the meanwhile, let’s take it from the Press Sec. Remonde. Kung tuloy ang eleksyon, hindi lamang mga politiko ang dapat maghanda kundi ang mamamayan. Ang matinding kalaban natin sa 2010 ay hindi si Gloria kundi ang malaking pagkakamali sa pagpili ng bagong leader.
Manalangin tayo nang taimtim at walang puknat. Hilingin natin ang patnubay at gabay ng Diyos para sa pagkakaroon ng isang matuwid na pamahalaan. Isa lang ang criteria ko sa pagpili ng bagong mga opisyal ng pamahalaan bukod sa kakayahang mamuno. Ito ay ang pagiging tunay na maka-diyos at hindi lamang nagbabalatkayong maka-diyos. Si CJ Puno ay isa sa aking mga preference kung talagang tatakbo along with Bro. Eddie Villanueva, Gov. Ed Panlilio, Gov. Grace Padaca at iba pang may pusong maka-diyos. Pero tingin ko’y di dapat mag-bitiw ng maaga si CJ Puno dahil mapagkakamalan siyang sumusuporta sa tusong plano sa cha-cha.