Ang Maynila ang katangi-tanging University Town sa buong Pilipinas. Halos lahat ng higanteng unibersidad ay dito itinatag: UP, De La Salle, UST. UE, FEU, PNU, Lyceum, Letran, Mapua, MLQU, PWU, Centro Escolar, NU, Adamson, FEATI. Maging ang Ateneo ay dito nagkapangalan. Mga malalaking Kolehiyo: San Beda, San Sebastian, Sta. Isabel, La Consolacion, St. Paul, St. Theresa, St. Scholastica. Ang hahaba ng kasaysayan ng mga institusyong ito bilang pinakamahusay sa buong bansa.
Kahit kapitbahay lang nila ang mga paaralang ito, ang malaking mayorya ng residente ng Maynila ay hindi mapakinabangan ang pagkakataong makapagtapos dahil hindi rin matutustusan ang mataas na matrikula. Dahil dito’y naisipan ng Maynila na magtatag ng sariling University upang makapag-aral ng libre ang Manilenyo. Sinikap din nitong makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa kabila ng kapiranggot na budget na kinayang ibigay ng Lungsod. Natupad ang lahat ng ito sa kaanyuhan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), taong 1965, ang unang Pamantasan (national or local) na naghandog ng libreng tertiary education sa bansa.
Ano ang resulta ng eksperimentong ito, sa loob ng 44 years of operation, ang PLM ay kinilala na ng CHED bilang isa sa top 5 universities sa bansa. Ito lamang nakalipas na dalawang taon, sa ilalim ng pamunuan ni Atty. Adel A. Tamano, nagprodyus ng No. 1 at No. 3 sa Nursing Board; No. 2 sa Physical Therapy Board; No. 2 sa Electrical Engineering Board; No. 5 sa Accounting Board; No. 1 School rating sa Architecture, No. 3 School rating sa Medicine, No. 3 School rating sa Mechanical Engineering.Iilan lamang ito sa walang patid na karangalang nakamit ng PLM mula nang binuksan ang pintuan nito sa mga public high school gra-duates ng Maynila.
Ang modelo ng PLM ang siyang tinatangkang kopyahin ng iba’t iba pang mga pamahalaang lokal sa buong bansa. Sa probinsiya, mabibilang sa daliri ng elepante ang mga State University (murang matrikula). Ang mga pribadong Pamantasan nama’y mahahanap lang sa capital cities at kahit residente ka doon, hindi rin abot kaya ang tuition. Kaya’t upang mapu nuan ang pangangailangan, marami nang pamahalaang lokal ang nagtatayo ng sariling mga Pamantasan upang mabigay sa kanilang mga residente ang pagkaka-taong pinagkait ng kapalaran.
Kapag magawa nila ang nagawa ng Lungsod ng Maynila, makakatulong ito ng malaki sa pag-angat ng bansa.