Plakang 8 para sa Congressmen, inaabuso

LAST February 14, 2009, late in the evening Valentine’s Day, nagkaroon ng vehicular accident dyan sa may Boni Serrano St., corner White Plains, Quezon City.

Sabi nga, banggan blues.

Isang pamilya ang nakasakay sa van ang binangga ng humahagibis na sasakyan ng isang Fil-Am sa nasabing place. HIndi naman lasing o naka - droga ang huli pero english speaking. Hehehe!

Nang wala pa ang traffic police investigator na dumarating sa scene of the crime nakiusap ang naargabiado driver ng van sa bumangga sa kanya vehicle na kung puede ay i-pagawa na lamang ito para hindi na sila maabala pa sa traffic precinct.

Ok naman sa nakabanggang driver ang masama ay ng dumating ang tsikot na RAV4 ni Congressman.

Nag-text kasi ang Fil - Am sa kanyang kabarkada at dumating sa lugar ang isang lumang Toyota RAV4 color white, naka-blinker pa may plakang 8 sa unahan ng sasakyan at sa likuran ay WXY-481 pagkatapos ay bumaba ang isang bokal kasama ang isang bebot.

Medyo napatras ang mga usirero dahil sa takot na baka magkaroon ng hindi maganda at nenerbiyos naman ang pamilya na binangga ng Fil-Am kasi maangas at may kayabangan si bokal sa crime scene.

Nagpasalamat ang mga pobreng alindahaw sa maagap na pagdating ng QC Traffic Police para ayusin na lamang sa Camp Karingal ang problema nila at hindi na makaabala sa ibang sasakyan dumadaan sa nasabing street.

Sabi nga, para walang traffic.

Sumunod pa rin ang kotse ni Congressman na may plakang 8 sa unahan at WXY 481 sa likuran sa Camp Karingal Traffic Police. Bakit? Iyan ang hindi nila alam.

Baka para manakot ? Hehehe!

Nang may sumita kay bokal may nagtanong kung bakit may plakang 8 ang gamit niyang sasakyan pinaalalahan siyang bawal gamitin ang sasakyan dala niya dahil hindi naman siya autorisadong gumamit nito lalo’t naka-display ang palaka este mali plakang 8 pala.

 Hindi na nakaporma pa si bokal bigla itong nawala sa Karingal iyon pala ay nagtago sa isang kalsada at mabilis na pinalitan ang plaka.

Ika nga, kamote talaga.

Ginamit lang pala ni bokal ang sasakyan ni Congressman na bawal na bawal sa ngayon dahil nga nagagamit ang iba sa pang-aabuso.

Kamakailan lang kasi ay naka-aksidente ang sasakyan ni Caloocan City Congressman Oscar Malapitan dyan sa isang mall sa Kyusi nabangga ng waswit ng kanyang daughter ang dalawang security guards.

Naging subject ng pagbatikos sa media si Oca dahil hindi autorisado na gamitin ng waswit ng kanyang daughter na i-maneho ang tsikot na may plakang 8.

Ang plakang 8 ay exclusive use lamang ng mga Congressman kaya dehins ito puedeng gamitin kahit sinuman ma-pamilya man o kamag-anak lalo’t hindi nakasakay todits ang Representative.

Next issue ilalabas ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung kanino nakapangalan ang sasakyan may plakang WXY-481.

Abangan.

* * *

Congrats, BIRTH!

MATAGUMPAY na idinaos ng BIRTH ang kanilang pang- Valentine’s Day sa para sa kani-kanilang family at guest.

Ang daming mga Mason, kaibigan, mag-syota echetera ang enjoy na naglaro ng golf.

Sabi nga, ganda ng mga pang raffle everybody happy dahil panalo lahat.

After the golf, pa bingo naman para sa mga sister ng Masons at mga kaibigan nito.

Grabe ang pa premyo ng hindi birong pitsa. Hehehe!

Pagkatapos ng pa bingo ay concert naman ni Marissa Sanchez punung-puno halos standing ovation ang lugar.

Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa BIRTH officials at members sa matagumpay nilang pang pamilyang affair. Sana mayroon ulit sa susunod na taon.

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa panggulo este mali pangulo pala ng BIRTH na si Atty. Allan ‘Kuyang’ Quebral, Kuya Rey Raagas, Kuya Aldo Esmenia, Very Worshipful Percy Salazar, Rudy Cnido, Don Ramon ang pilantropo dyan sa Valenzuela, Ramon Clavicilla, Paul Vidanes at sangkatutak pang iba.

* * *

NBI vs. Boy bata

MUKHANG mainit ang ilang NBI kay Pangasinan jueteng lord Boy Bata, aka alimango porke matindi pala ang kaso nito.

Sabi nga, nagtatago sa butas este mali batas pala.

Hindi magtatagal at makakalawit din si Boy bata at nakakatiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na maghihimas ito ng rehas sa karsel.Ayaw munang sabihin ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ano talaga ang ginawang kagaguhan ni Boy bata sa NBI basta ang importante kamoteng alimango magtago ka na.

Si Boy bata, alyas alimango ang jueteng lord dyan sa Pangasinan wala itong sinasanto kahit pinagbabawalan ni Pangasinan Bishop Oscar Cruz ang gago na tumigil sa kanyang illegal gambling dahil maraming mga kabataan ang nakakalulon este mali nalululon pala sa masamang bisyo.

Ang problema pinagtatawanan lamang ni Boy bata ang kaparian dyan sa Pangasinan dahil patuloy pa rin ang jueteng operation nito todits.

Abangan.

Show comments