Sibakan blues

NAKAKAPANINDIG balahibo ang nangyari ngayon sa mundo malaking porsiento ng mga madlang people ang nawalan ng trabaho dahil sa global financial crisis na nararanasan today.

Kaya naman ang mga tinamaan ay CRYING like a cow at ang iba naman ay crying in the rain.

Sana maayos na ang problema sa mundo sa Philippines my Philippines kasi ay unti-unti na rin nararanasan ito kaya naman ang ilang multi-national company ay nagsarado na.

Sabi nga, goodbye!

Kaya naman ang gobierno ay naghahanda sa ganitong klase ng problema at hindi sila nagpapabaya sa mga ordinaryong people na nayari ng sibakan blues.

Ika nga, may instant job daw?

Naku ha!

Bida ng DOLE may 50,000 standby jobs sa Philippines my Philippines para pasukan ng mga kababayan natin nasibak sa hotraba.

Malaking porsiento daw ay ang kasambahay.... Hehehehe!

Malaki na nga ang problema ng madlang people sa Republic of the Philippines may gana pang magpatawa ang DOLE.

Ano ba iyan?

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi gawa ng tao ang nangyari sa buong mundo ngayon kundi gawa ni Lord.

Sabi nga, nakalimutan kasi siyang tawagan.

Ika nga, hello!

Hindi tayo nagbibiro ang kailangan ng madlang people ay dasal at paguunawa sa isa’t-isa.

Tama ba, kamote?

Huwag na tayong magsisihan kailangan tayong gumalaw tulad ng sabi ni Prez Gloria Macapagal Arroyo sa mga taga-US of A.

Abangan.

Tumbahan sa Kyusi, uso

PALAKPAKAN ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil usung-uso ang tumbahan blues sa kyusi kasi nga marami ang nangangamatay ngayon kriminal at mabilis naman pinapatulan ng kapulisan ng Quezon City.

Ang mga kuwago ng ORA MISMO, ay kampi at boto sa pangyayari para magbago kasi ang isang gago ay dapat makakita siya ng kasamahan niyang pinaglalamayan ng langaw dyan sa mga kalye sa kyusi.

Sabi nga, ni Chief PNP Jesus Ame Verzosa ‘REFORM or PERISH’.

Marami kasing dayo sa kyusi kaya ang mga criminal element todits ay marami at isa pa matitindi at malalaki ang mga kalye.

Ika nga, maraming dadaanan lugar para makaoros este mali makatakas pala.

Sana magbago na ang mga kriminal.

Sabi nga kumayod kayo!

Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa isang member ng ‘donut gang’ na bumulagta sa kyusi sayang at hindi pa sila tatlo.

Nabiktima rin kasi ang isa sa mga kuwago ng ORA MISMO, ng donut gang kaya ng mabalitaan nila ang pangyayari ay naghapi-hapi sila dahil may nagbayad ng utang este buhay pala sa gulong na sinikwat ng gagong grupo.

Ang panalangin ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana maubos kayo!

 Abangan.

Villar, tutulong sa OFW’s

NAKAHANDA ang bulsa ni Senator Manny Villar sa mga OFW’s na uuwi sa bansa dahil napatalsik sila sa kanilang mga hotraba.

Sabi nga, hindi biro ito!

Gusto ni Manny na tulungan sila para makapanimula ng panibagong buhay at makapagtayo ng mga sarili nilang negosyo.

Hindi sinabi ni Manny kung magkanong salapi ang kanyang itutulong sa mga OFW’s na hihingi sa kanya ng help.

Sana Manny huwag lang mga OFW’s ang tulungan mo kundi pati ang mga pangkaraniwan pinoy na nawalan naman ng hotraba todits sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, para fair and square.

Lumaki sa hirap si Manny kaya naranasan niya ang mga nararamdaman ng madlang pinoy na nawalan ng hotraba.

Show comments