^

PSN Opinyon

Bank Robbery Syndicate Update

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KATULAD ng mga alagad ng batas, patuloy ang pagtutok ng bitag investigative team sa mga kasong bank robberies sa Metro Manila.

Hindi tumitigil ang aming grupo sa pakikipag-ugnayan sa mga otoridad hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek na bumubuo ng kilabot na bank robbery syndicate sa kalakhang Maynila.

Dahil karamihan sa mga kasong bank robberies nung mga nakaraang taon hanggang nitong taong 2008, nana­tiling mga “open files status” sa mga alagad ng batas.

Matatandaan ang isang kontrobersiyal na pangyayari noong Dec. 5, 2008, ang Paranaque shootout.

Napag-alaman ng BITAG na base sa intelligenceng National Capital Regional Police Office (ncrpo), malaki daw ang naging epekto nito sa hanay ng sindikato ng bank robbery.

Nagsanib puwersa ang Alvin Flores Group, Waray-waray Group at Kuratong Baleleng upang makabuo ng isang kilabot na Robbery Syndicate.

Subalit nalagasan ng siyam na miyembro ang sin­di- kato sa nasabing shootout. Nakuha rin ang ilan sa kanilang mga armas at iba pang kagamitan.

Ayon kay NCRPO Chief Gen. Leopoldo Bataoil, nakuha ang apat na M16, M 203 (pawang mga high powered guns), apat na caliber .45 at mga granada sa posesyon ng mga napaslang na suspek.

Kaya naman, nana­tiling todo- alerto pa rin ang intel ng NCRPO simula noong mangyari ang Parañaque shoot­out hanggang sa kasa­lu­kuyan.

Mapanganib daw ang “pananahimik” ng mga nagsanib na pu­wer­sa ng notoryus na grupong sindikato ng bank robbery, dahil posibleng kumakalap lang daw ito ng pwersa para maka-buwelo at tumirang muli.

May koneksiyon ang grupong ito sa grupo ng sindikatong nakaligtas sa kamay ng NBI-IS at BITAG noong Dis­yembre ng 2007 sa payroll robbery holdup sa Pasig.

Isa sa naispatan ng BITAG at NBI noon na nagke-casing sa kum­pan­yang kanilang bi- bik­timahin ay ang sus­pek na si Rey Olarte al­yas Balong. Napatay si Olarte sa Parañaque shootout noong Dis-yem­­bre ng 2008.

Ang get away car rin na ginamit ng grupo sa Bank Robbery na­man sa RCBC noong October 15, 2007 sa E. Rodrigues Avenue Que­zon City ay nakuhanan ng CCTV surveillance camera ng bangko.

Ito rin ‘yung get away car na ginamit ng gru-po ni Olarte sa Payroll Robbery Hold-up sa Pasig, isang kot­se na kulay green.

Nananawagan ang BITAG at ang NCRPO na sa kung sino man ang nakakakilala at na­kakaalam sa kinaro­roonan sa iba pang mi­yem­bro ng kilabot na sindikato ng Bank Robbery, makipag-ugnayan agad sa amin.

Maaaring mag-text sa NCRPO textline 2920 o sa BITAG textlines sa 09289038238 at 0929­7972325.

ALVIN FLORES GROUP

BANK

BANK ROBBERY

CHIEF GEN

KURATONG BALELENG

LEOPOLDO BATAOIL

METRO MANILA

ROBBERY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with