^

PSN Opinyon

Kaligtasan at kapakanan ng mga worker sa Hanjin

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

DAPAT tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas at alituntunin para sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa sa South Korean firm na Hanjin Heavy Industries and Construction sa Subic Bay, Zambales.

Ito ang mariing paninindigan ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.

Kasi nga naman, grabe at masyadong nakaaalarma ang pagkamatay ng 19 na manggagawa (18 Pilipino at isang Koreano) sa 17 nang aksidenteng naganap sa Han­-jin shipyard mula pa noong 2006, base mismo sa ulat ni Ramon Ogregado ng Subic Bay Metropolitan Authority Support Service Group sa pagdinig sa Sena-do noong Lunes.

Noong nagdaang Huwebes ay tinungo ni Jinggoy ang Hanjin at personal niyang sinuri ang sitwasyon sa nasa­bing pagawaan. Ayon kay Jinggoy, bagsak ang grado ng Hanjin sa pagsunod sa mga safety requirements sa kanilang pasilidad.

Napansin din umano na marami sa mga manggaga-wa sa nasabing pasilidad ay walang suot na safety helmets o hardhats at butas pa ang safety shoes. Wala rin uma­nong takip ang mga kanal doon at kalat-kalat ang malala­king mga bakal na “raw materials” na ginagamit sa pag­gawa ng barko roon.

Sa inisyal na evaluation ni Jinggoy ay lumalabas na mukhang kailangang suspendihin muna ang operasyon ng Hanjin hangga’t hin­di nito na­sosolus­yunan ang mga problemang pang-se­guridad doon at ma­natiling nasa pa­nganib ang mahigit 18,000 mga mangga­gawa nila.

Siyempre, hindi ito basta usapin lang ng pagpasok ng dayuhang negosyo sa ating ban­sa at pagbibigay ng tra­ba­ho sa ating mga kaba­bayan, bagkus ang mas mahalaga ay ang safe­ty ng mga mang­­ gagawa.

Base pa sa sum­bong ng mga mangga­gawa kay Jinggoy, labis-labis umano si­lang pinagta­trabaho ng Han­jin management at substandard din ang ipinaka­kain sa kanila.

Tiniyak ni Jinggoy na pormal niyang ilala­had ang kanyang reko­mendasyon tung­kol sa Hanjin sa ka­sunod na pagdinig ng kanyang komite sa na­turang isyu.

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

HANJIN

HANJIN HEAVY INDUSTRIES AND CONSTRUCTION

JINGGOY

JOINT CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

LABOR AND EMPLOYMENT

RAMON OGREGADO

SENATE COMMITTEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with