^

PSN Opinyon

Quijote ng Senado

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

“FIGHT for the truth as I did for three years.” Ito ang PEP TALK ni Sen. Loren Legarda kay Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagsampa ng election protest laban kay GMA Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri noong 2007. Dama ni Sen. Loren ang hinagpis ng isang nadaya kaya ito agad namahagi ng pampalakas loob.

Malaking desisyon ang magprotesta sa eleksyon. Nakakalumpo ang gastos —– madalas mahigit pa sa inubos sa kampanya. At kung madesisyunan man ay kadalasa’y halos katapusan na ng termino bago makaupo ang nagprotesta. May kultura rin tayo na “anything goes” sa eleksyon. Sa madaling salita, kasama sa matematiks ang pagdaya. Kung hindi ito maagapan, sorry na lang. Dagdag pa rito ang kaugaliang Pinoy na “pikon-talo”. Ganito kabigat na FIGHT o laban ang kailangang harapin ng kandidato sa pagpasya ng kung sasabak pa sa protesta matapos ng proklamasyon ng katunggali.

Kaya’t tuwing may lalarga, lalo na sa mga high profile na laban gaya ng Presidential, Vice Presidential o Senatorial, mas marahil sa hindi na may katotohanan ngang ipinaglalaban. Hindi sapat na katwiran ang kahihiyan upang pumasok sa ganitong kaliit na butas ng karayom. Ang pinakamatinding paghanga ay nirereserba para sa matapang at maprinsipyong mandirigma na handang isakripisyo ang kanilang oras, kayamanan at katiwasayan para ipaglaban ang katotohanan.

Nang si Miriam ay nagprotesta kay FVR; si FPJ kay GMA; at si Loren kay Noli, nakita natin ang tindi ng kanilang paninindigan. Ganyan din ang tingin natin sa Protesta ni Koko –— parang si Don Quijote sa kanyang immortal    quest for truth. Siyempre, hindi lang ang karapatang makapaglingkod ang ipinaglalaban. Kasama na rin dito ang hangaring tanggalin sa ser­bisyo ang hindi naman tunay na nanalo. At, higit sa lahat, ang kanyang pagdaan sa proseso ay katibayan na hindi siya nawawalan ng pag-asa sa mga institusyon ng pama­halaan.

Kaya naman kailangang itanong kay Koko – hanggang saan dadalhin ang kampanya para sa katotohanan? Si Miriam at si Loren, lumaban nga su­ba­lit hindi rin nila natagalan. Sa unang pagkakataong ma­kabalik sa umpugan ay ina­bandona na ang protesta. Walang pakialam kung patu­loy na makaupo man ang pa­niwala nila’y nandaya sa tao. Kung sila’y boundary na sa 3 years, sa iyo Sen. Koko, how many years is the truth worth fighting for? 

DAGDAG

DON QUIJOTE

GANITO

KAYA

LOREN LEGARDA

SENATOR JUAN MIGUEL

SHY

SI MIRIAM

VICE PRESIDENTIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with