PNP No. 2 man, umiinit

BAKBAKAN umaatikabo sa dalawang top brass PNP official sa Camp Crame dahil sa puesto kung sino ang magiging No. 2 man sa Philippine National Police.

Sabi nga, The Deputy Chief for Administration!

Ang magkatunggali ay sina 3 star General Jeff Soriano o ang bagong promote na si Geary Barias?

Importante ang March 2, 2009 kina Jeff at Barias dahil ito ang araw na magreretiro si General Rafanan bilang PNP deputy for Administration ng PNP.

Sabi nga, bakbakan umaatikabo kung sino ang papalit kay Rafanan.

Si Jeff ba o si Geary?

Ayon sa mga kamoteng asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sugat - sugat na daw ang mga siko ng dalawang heneral sa kagagapang sa kani-kanilang mga padrino para sa nasabing posisyon ? Hehehe!

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, lamang di hamak si Jeff kay Geary dahil ito ang kasalukuyan No. 3 man ng PNP dahil siya ang The Deputy Chief for Operation samantalata ang huli ang No. 4 man dahil siya ang The Deputy Chief of Staff kaya ang dapat pumalit kay Rafanan bilang No. 2 man ng PNP ay walang iba kundi ang No. 3. Tama ba?

Sabi nga, walang singitan. Hehehe!

Siguro dapat maliwanagan ang isyung ito bago mag-appoint ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung sino ang papalit kay Rafanan at siempre si DILG Secretary Ronnie Puno ang magsisilbing recommending official para kay GMA. Tama ba, Your Honor?

Sa pagkakaalam ng mga kuwago ng ORA MISMO, unang naging 3 Star General si Soriano dahil nagkaroon ng hindi magandang kapalaran si Barias noon tulad ng kasong na dismiss naman sa Office of the Ombudsman regarding sa Manila Peninsula incident naging usap-usapan ito sa mga dingding ng building dyan sa Crame. Hehehe!

Ito ay tungkol sa reklamo ng mga media ng pinosasan blues sila habang tumutupad sa kanilang tungkulin.

Ika nga, coverage!

Sabi nga, nagtrabaho lang naging personalan pa? hehehe!

Naggagalaiti sa inis Gabriela party list Rep. Liza Maza ng mapabalita na kandidato sa pagka no.2 si Geary.

Sabi nga, ayaw ni Maza!

Hindi nag-iisa si Maza sa pag-awat este mali pag-ayaw pala dahil pati ang college editors guild ay nagpahayag ng pagtutol sa promosyon ni Barias bilang No.2 ng Philippine National Police.

Teka, teka, taka nga muna, ayon sa information ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may isinampang kaso umano kay Barias dyan sa Ombudsman regarding ‘Munich Trip’ daw?

Nakunan daw kasi ng pahayag si Barias sa isang prime time TV na walang ginastos ang Republic of the Philippines sa Munich trip niya at mga kasamahan dahil ang supplier daw ang sumagot ng lahat ng kanilang gastos sa biahe.

Kung sinuman ang sinasabing supplier ni Barias iyan siya lang ang nakakaalam.

Naku ha!

Kung totoong may kaso sa Ombudsman si Barias et al regarding sa Munich trip siguro maliwanag na graft case ito sa ilalim ng Republic Act - 3019.

Sabi nga, Anti - Graft and Corrupt Practices Act.

Lagot ? Hehehe!

Tapusin na muna natin itong kasuhan matagal pa ito.

Ang importante ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang seniority rules on promotion ay maliwanag.

Ika nga, seniority sa unang na promote sa rango hindi sa pwesto ang issue.

 Sa madaling salita, kahit no.3 ngayon si Barias, unang naging 3 star rank si Soriano.

Entonces amigos, ipatupad ang chain of command.

For your information, si Soriano, ay isang avocado este mali ABOGADO pala kaya ready ito na ipaglaban ang kaniyang position sa asunto ang kanyang seniority in rank.

Hindi pinangungunahan ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Secretary Puno alam naman ng madlang people na hindi siya abogado pero napagaling nito kaya lang kailangan humingi siya ng legal opinion sa mga abogago este abogado pala sa National Police Commission at Department of Interior and Local Government para sa final at tamang rekomendasyon kay GMA.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malamang o puedeng magkaroon ng quo warranto at restraining order kung sakaling ma-appoint na The deputy chief for Adminstration si Barias.

Abangan.......

* * *

Si Celso delos Angeles at ang BSP

KUNG hindi nagpabaya sa kanilang tungkulin ang Bangko Sentral ng Philippines my Philippines hindi dapat sumakit ang ulo nila regarding sa isyu ng pagsasara ng mga kural este mali rural bank pala ng Legacy Group.

Last 2005 pa pala alam ng BSP na hindi sinusunod ng Legacy ang banking system.

Naku ha!

Taxpayer money ang maka-kamote ni Celso delos Angeles porke pitsa ng una ang hawak ng Philippine Deposit Insurance Company na malamang ibayad sa clients ng Legacy.

Sabi nga, yari tayo!

Siguro dapat managot ang BSP officials kasama si Celso sa malaking problema na ginawa nila sa mga client.

Abangan

Show comments