Ang kaibigan ni Kiko
BIYERNES nang hapon, natanaw kong naglalakad pauwi ang bagong kaklase sa first year high school na si Kiko. Bitbit tila lahat ng libro niya. Nagtaka ako, ano’ng klaseng bata ito na mag-aaral buong weekend? E ako nga basketball at party lang ang naka-schedule sa Sabado.
Binundol si Kiko ng nagtatakbuhang tropa ng mga lalaki. Nabuwal siya, sumambulat ang mga libro, lumipad ang salamin.
May luha sa gilid ng mga mata ni Kiko nang pulutin ko ang salamin. “Salbahe ang barkadang ‘yon,” kako, “Saan ka ba nakatira?” Abot-abot ang pasasalamat niya, at nalaman ko na magkalapit lang kami ng tirahan. Tinulungan ko siya magbitbit ng mga libro hanggang sa bahay niya. Niyaya ko rin mag-basketball kinabukasan. Nagustuhan ko ang ugali niya; gayun din ang mga kalaro namin at mga ka-party nung gabi.
Kinalunisan, nakita ko si Kiko papasok sa school na bitbit ang lahat ng libro. “Nerd” talaga siya, naisip ko. Naging matalik na magkaibigan kami hanggang fourth year. Malapit na ang graduation namin. Si Kiko ang valedictorian, kaya siya ang magtatalumpati sa araw na ‘yon.
Buti na lang hindi ako ang magtatalumpati. Pero inggit at hanga ako kay Kiko. Pinaka-sikat siya sa campus, paborito ng mga guro, at crush ng mga babae. Graduation Day, napansin kong ninenerbiyos siya sa darating na speech. Tinapik ko siya sa balikat: “Kayang-kaya mo ‘yan, big boy.”
Nag-ehem muna si Kiko, saka nagwika: “Graduation ang araw ng pagpapasalamat sa mga tumulong sa iyo nitong mahihirap na nakaraang taon. Mga magulang, titser, kapatid, si coach, at lalo na sa mga kaibigan mo. Narito ako para ipaalam sa inyo na ang pagiging kaibigan ang pinaka-mahalagang regalo na maibibi gay natin, may ikukuwento ako...”
Hindi ako makapaniwala nang ginunita niya ang araw ng aming pagkakakilala. Binalak pala niyang magpakamatay nu’ng weekend na ‘yon. Nilinis na niya ang locker sa school at inuwi lahat ng gamit para hindi na ang nanay ang gagawa. Tinitigan niya ako at ngumiti: “Mabuti na lang, naligtas ako. Sinalba ako ng isang kaibigan mula sa hindi kanais-nais. Namangha ang audience. Nilingon ako ng mga magulang ni Kiko; bakas sa mata ang pasasalamat. Noon ko lang nabatid ang kahu lugan ng lahat.
- Latest
- Trending